leideegraphics

CHAPTER 05

“SO JANNA, madalas ka bang iwan ni Anthony dito sa opisina nya; I mean, dapat kasama ka niya everywhere as his secretary, hindi ba?”

            “Yeah, actually magkasama kami kanina. Napagod ako kakalakad kaya bumalik ako dito.”

Habang naglalagay siya ng papel sa folders sa drawer, lihim siyang napapangiti sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Mara. Pansin niya ito kaagad pagpasok na pagpasok pa lang niya. Dahil nadatnan na niya sa loob ng opisina nang dumating sya nya.

            “Hahaha! Ang swerte mo naman, nakakapagpahinga ka, samantalang si Anthony maghapon sa field, samantalang secretary ka lang naman.” sa tono me kalakip na insulto.

            Tumayo at nag inat si Janna saka naupo sa couch katabi ng drawer. “Alam mo naman siguro na fiancée nya ako.”

            “Yeah, I barely know.” Nakataas ang kaliwang kilay at nakangiti nang mapang uyam sa kanya. “Ginagamit ka lang naman niya. Umaasa ka bang magkakagusto sa kagaya mo si Anthony?” she sounds bitter.

            “May sinabi ba ako na gusto ako ni Anthony?” nakangiti ding sagot nya dito.

            “So ipinagmamalaki mo sa’kin na pinili ka ni Anthony na pakasalan.  For no reason at all? Oh My Gosh! Dream girl!”

            “Well, iba ang gusto sa mahal.  At saka dapat sa kanya mo itanung ‘yan. Tutal si Anthony ang nag prosose hindi naman ako.”

            “Kung ganun hindi mo din kayang sagutin. Ibig sabihin hindi rin sinabi ni Anthony that he loves you, girl.” Ayaw magpasindak ni Mara sa dalaga kaya kuntodo taas kilay ito.

            “He just did. In fact he decided to stay away from you dahil ayaw niya na iwanan ko siya at umurong sa kasal namin. At isa pa, ginagawa niya ang lahat para lang matuloy ‘yon. Ayaw niyang bigyan ako ng sama ng loob. If that’s not love, then what? ” Sabay kindat.

            “Awa! He pitty you, kase mahirap ka, alipin ka! What if, all he wants is to give you chance to climb up into society?”

Nginitian niya si Mara ng ubog tamis. Natatawa na lang siya sa sarili at kailangan niyang makipagtalo sa isang ito na walang alam gawin kundi manghula ng estado niya sa buhay, magbitiw ng mga salitang hindi pinag isipan. “Mara, may choice ka naman eh. Either wag ka na lang maniwala sa mga sinasabi ko. Kunwari nagsisinungaling ako, at ikaw ang nagsasabi ng totoo. Gamitin mo na lahat ng self confindence mo. Habang tahimik lang akong makikinig.”

            Sa imagination nya lalong lumaki butas ng ilong ng kausap sa sinabi nya, “ . . . or  sa maniwala ka o sa hinde. Nagsasabi ako ng totoo, at walang dahilan para magsinungaling ako.”

            “Gold digger!” galit na singhal nito sa kanya.

            Huminga muna sya ng malalim saka sumagot. “Sa reaksyon mo mukhang alam ko na  you chose to believe me. Dahil hindi kukulubot ng ganyan ang noo mo kung hindi ka naniniwala sa’kin. Naoobvious tuloy na madaming kakatahi at kakaretoke ng wrinkles mo. Ang mga taong masasama ang ugali, maagang tumatanda. . . so on, so forth.” Sabay tawa.  “Knock on the wood.”

            Muli siyang tumayo inunat ang nagusot na damit saka nilock ang drawer. “Goodluck to you, Mara. I hope you win him back.” Sabay kibit balikat. “Oh! On the contrary. Ang sabi sa’kin ng FIANCÉ ko” diniinan niya ang huling salita. “Hindi pala naman naging kayo? Well, sya ang nagsabi. “

            Nakabawi siya kay Mara. Lumabas sya ng opisina hindi nya alam na halos umusok ang tenga at ilong nito sa inis, dahil mas nainsulto nya ito kesa sa pang iinsulto sana nito sa kanya.

            God! I’ve never been this wicked before. Dahil sa lalake na ‘yon sumasama ang ugali ko. Forgive me Lord.

INIHATID siya ni Anthony sa bahay, nadatnan niya si Lance na nagkukutkot ng appliance sa sala. Si Lawn nasa kusina at nagluluto.

            “Sakto dating mo paluto na ‘to Janna.”

         “Busy yata kayo masyado dito sa bahay. Sinung tao sa resort nyo?” Ibinaba niya ang bag sa lampshade desk saka nilapitan ni Lawn. “Anung meron?”

         “Secret!” anang pamilyar na boses mula sa likuran nila.

         Napamulagat siya bigla sabay harap sa nagsalita. “Mama!” sabay yapos dito ng mahigpit. “ ‘Ma, namiss ko kayo.”

         “Ehem! Hindi yata namiss ng baby ko si papa.”

         “Papa! Wow naman! Grabe nandito kayo.” Tumakbo siya sa papa niya saka naglambitin sa leeg nito, nagpaikut- ikot saka hinila palapit sa mama niya. “Hindi nyo sinabing uuwi kayo ngayon. Kainis naman kayo,” kunwari’y nagtampong tono niya.

         “Haha! Sinundo kami ni Lance kanina”, anang mama niya.

         “Busy kase ‘yan sa trabaho niya sa field, tito. Gusto niyang dagdagan ang assets nyo. Hahaha! Tingnan nyo naman umitim na ang neneng na ‘yan.”

         “Tse! Hindi na ako nene. Kita mo naman dalagang dalaga na ako.”

         “Umuwi kami para ihatid ka sa aisle sa kasal nyo ni Anthony.”

         “Mama, matagal pa ‘yon. Tsaka hindi pa rin naman sigurado kung tuloy ‘yon. Wala namang plano pa about that.”

         “Sabihin mo lang kay Lance kapag nagbago isip mo magpakasal. Para maitakas ka niya agad. Hahaha!” pabirong sabi ni Johny sa anak.

         “ Hindi aatras ‘yang anak nyo, tito. Baka excited pa ‘yan.” Natatawang singit ni Lawn sa kwentuhan. Nagtawanan sila.

         “Ang papa nyo nga pala uuwi next week kasama ang girlfriend nyang Italiana, bagong chick.” Binalingan nito si Lawn na noo’y hinihipan ang sabaw sa sandok para tikman kung pwede na hanguin. “Lawn, may pag uusapan daw kayong mahalagang mahalaga ng papa mo. I know you know what you and your dad will deal with.”

         “Auch!” nabitiwan niya ang sandok kaya’t natapon sa paa niya ang tinitikmang sabaw. “Pa. . .tay  ako, kuya.”

         “You’re dead Morganna Lawn. Hahaha! Ako nga pala ang nagbalita noon kay papa.”

         “Urggggggggg! Kontrabida ka talaga Bwiseeeeeet!”

KINABUKASAN sumama sa hacienda sina Johny at Sylvia. Iniwan niya ang mga ito sa mansion kausap ang mag asawang Allevar. Niyaya na sya agad ni Anthony sa field kaya di na niya nasamahan ang mga magulang doon.

         Habang nagmamaneho hinawakan ni Anthony ang kamay ni Janna. “Janna, believe me when I tell you this.” Dinala ni Anthony sa mga labi ang kamay ni Janna, “I always love you.”

         Napatda siya sa kinauupuan sa narinig. Did he just say it? Hindi niya napigilan tumulo ang luha niya.

         “Janna. . . teka, wag ka umiyak. Bakit?”

         Ibinaling nya ang atensyon sa view sa labas ng bintana. “Wala, napagod lang siguro mata ko, kaya nagkaganito.” Hinila niya mula sa pagkakahawak ni Anthony ang kamay niya.

         “Natatandaan mo ba dati si Mang Tasyo ang driver ng sasakyan na ‘to? Ikaw at ako ang magkatabi sa back seat. Nakakatulog ka pa nga sa balikat ko tapos pagpreno ni Mang Tasyo mahuhulog ka, iiyak tapos hahampasin mo ako kase hinayaan kita mahulog. Mula pagkabata, magkasama tayo. Silly, but they call us ‘kambal-tuko’. Hindi tayo magkamukha pero palagi tayo magkasama. We even look good together eversince. Eh di lalo na ngayon.”

         Napataas- kilay si Janna sa mga sinasabi ng kababata. “Bakit mo kinukwento sa akin ang mga ‘yan? “

         “Nakapaghintay ako for six long years ; bakit pa ako maiinip kung few more months na lang naman and then this commitment will be official. You as Mrs. Anthony Allevar.”

         “Desedido ka bang pakasalan ako talaga?”

         “Kung bingi ka, o nagbibingibingihan lang, I don’t really mind. What important is sinabi ko na sa’yo mahal kita.” Hinagip ulit nito ang palad ni Janna at ikinulong sa mainit niyang palad. “Believe it or not , believe it.”

HABANG dumadaan ang araw unti unti nagkakaroon ng familiarity ang mga pangyayari sa paligid ni Janna. Tuwing kasama niya si Anthony, she feels more comfortable. Hindi na sya masyadong naiilang kung hawakan man nito ang palad niya, o mahuli niya ito nakatitig sa kanya.

            “Anthony, seriously. Anung plano mo mula nang makabalik ka dito? What made you decide to propose a marriage? Nakakapagtaka na parang planadong planado mo lahat, and you were very sure of it.”

            Tumingala siya at dinala sa dibdib ang palad ni Janna. “Nararamdaman mo ba ‘yan? I don’t know if those beats are enough to answer your question. Pero para claro;” humarap sya sa dalaga at tinitigan ito sa mata. “sasabihin ko ng paulit ulit kung kelan mo man gusto marinig, ‘Mahal kita Janna’.”

            “Since when?” maang maangan nyang tanung.

            “Ang totoo hindi pa natin dapat pag- usapan ang issue na ‘to, pero. . .”

            “Gusto ko nang maalala lahat, Anthony.”

            Sumandal si Anthony sa kinauupuan niya sa driver’s seat. “Baka mapressure ka lang Janna. Ang totoo, hindi ko alam kung it was meant to happen, na sa mga ala-ala meron ka, ako lang ang hindi mo naibalik kung saan ako talaga dapat. Si Lance, si Lawn, ang parents mo, ang pamilya ko, at ang lugar na ‘to,”

            “No. Natatandaan ko magkaibigan naman tayo since we were kids, right?”

            “. . .siguro dahil umalis ako at mas nakasama mo sila, so  ganun ang nangyari.”

“Bakit ka nga ba umalis at nagpunta ng Canada?”

“If I stayed here, maybe hindi nangyari lahat ‘to. I was weak, I was afraid.”

Whatever, Anthony. Kung alam mo lang gaanu ko pinipilit maalala lahat.?

Tumingala si Anthony habang hawak pa rin ang palad ni Janna sa dibdib nya. Tumingala ito at huminga nang malalim. Nararamdaman ni Janna na pabilis nang pabilis ang dagundong sa dibdib ng binata. Yung dagundong ba ng dibdib ko naririnig ko o sa kanya?

Pakiramdam niya sabay na sabay ang ingay na ‘yon sa nararamdaman ng pulso nya at sa naririnig niyang nagririgudon.

“Ang bilis ‘di ba? Ganyan ako palagi kapag kasama kita. Hanggang sa hindi ko na mapigilan, parang kakapusin ako ng hininga sa sobrang bilis. Ganyan din ako noon.”

Napalunok ni Janna dahil nakaramdam na siya ng pagkailang.

“Kapag naikasal na tayo, ganito ako araw- araw. Mapapabilis ang pagtanda ko nito. Hahaha!” Sa lakas ng tawa nito napalingon ang mga magsasaka na nasa labas.

Napangiti ang mga magsasaka nang marinig ang masayang pagtawa ng binatang hasendero. Matagal na rin nilang hindi narinig na tumawa nang ganun ang binata.

“Hindi ho ba’t si Ms. Janna ang nagpapasaya sa masungit na binatang hasendero, ano ho Mang Isko?” anang isang magsasaka sa matanda na nakangiti pa rin.

“Kung babalikan noong panahong mga bata pa ang dalawang iyan. Hindi ko akalaing darating sa ganitong punto na magkakagustuhan sila. Mabuti na rin ‘yan. Bagay naman sila.”

“Bakit ano ho ba sila dati?” taking tanong nito sa matanda.

“Noon, para silang magkakambal. Ang gusto ng batang si Anton, ay gusto din ni Ms. Janna. Magkasama sila pagpasok sa eskwela. Magkatabi pa nga matulog ang dalawang iyan sa banig tuwing pagkatapos ng tanghalian sa ilalim ng puno ng acasia na naroon sa tabi ng lawa. Parang magkapatid na anak ng Allevar.”

“Kung ganoon panu ho naging magkasintahan yang dalawa, samantalang para pala silang magkapatid?

“Pagtuntong nila ng hayskul, tinubuan ng selos ang hasendero, ligawin noon si Ms. Janna. Madalas silang mag- away ni Anton noong panahong iyon.”

Nakamasid pa rin sila sa dalawang nagkukulitan sa loob ng sasakyan sa di kalayuan. “Natatandaan ko pa noong minsang ako ang sumundo sa kanila sa skul, naabutan ko si Anton na nakikipagsuntukan sa anak ni Mayor Gustavo na manliligaw ni Janna. Ang sumbong sa’kin ni Ms. Janna, niyaya lang siya ng binatilyong iyon na sumabay ng tanghalian sa barkada niya. Papunta na sana sila sa canteen nang makita sila ni Anton. Galit na ito noon, dahil palagi silang sabay magtanghalian. Hahaha!” napatawa na ang matanda nang maalala niya ang itsura ng binatilyong hasendero noon. “At doon nagsimula ang alamat ng selos ni Anton.”

“Tapos naging magnobyo na sila?”

“Marami pang kwento na sila lang dalawa malamang ang nakakaalam. Ipinagtapat na lang isang araw ni Anton sa mag- asawang Allevar na nobya na niya si Ms. Janna. Hindi pa nila matanggap noong una dahil itinuring nilang nakababatang kapatid ni Anton si Ms. Janna. Salungat sa mag – asawang Dela Riva na ikinatuwa ang pagtatapat ni Anton tungkol sa relasyon nila.”

NATAHIMIK sila kapwa nang mapagod sa kakatawa. Samantalang bumalik na sa gawain ang kanina’y nagmamasid sa dalawa.

            “Kung hindi ka naman sigurado dito, Janna. You can just say it. This is not easy for you.”

            “Kung gagawin ko yun, makakatulong ba ako sa’yo? Makakatulong din ba sa’kin na ipahiya ang pamilya mo while everybody knows we are about to get married? Wala akong plano na iwan ka sa agreement, Anthony.” 


CHAPTER 06

SA ARAW NA IYON, Johny is looking at her daughter wearing her wedding dress. He definitely know his daughter looks like his wife the day they got married.

            “Papa, naiiyak ho ba kayo, o napuwing lang?” Nangingiti pang tanung niya sa ama.

            “Napuwing lang ako.”

            Niyakap ni Janna ang ama sabay tapik sa balikat nito habang tumatawa. “Hahaha! Ang sagwa nyo naman talagang mapuwing, papa. Ampangeeeeeeeeet! ”

            Nilapitan ni Sylvia ang mag- ama at tumikhim, “ehem! Kasali ako dapat sa group hug of my King and my Princess.” Nakataas kilay ito sa mag- ama.

THIS IS GONNA BE the most important day sa buhay nina Anthony at Janna. Facing new chapters of life together.

            “Everything is gonna be perfect. I am going to marry her.”

            “Hindi ko alam if this is the right thing to do, hijo. This is just an agreement for Janna. Hindi pa siya talagang nakakarecover. I know you love her so much. Mahal namin si Janna kagaya nang how we love you. We want all the best for both of you.”

            “Mama, you are such a drama queen. Hahaha!” saka niya ito niyakap. “I will definitely make it; we will.”

            “Now we know kung sino ang nagmana kay mama. Here is our drama prince. Yuck!” napairap ang mama nila saka binatukan ni Alice ang kapatid saka nagtawanan ang papa nila at si Andy.

            “Nakakaistorbo ba ako?” Si Lance iyon na nabungaran sila sa salas na nagtatawanan.

            “Oh Lance, hijo! Mabuti naman napadaan ka dito, nakaayos na ba si Janna?”, tanung ni Ana sa pamangkin.

            Humalik muna sa pisngi ng ginang saka sumagot, “Yup Tita, Actually they are almost done there. And dad is on his way here. Thanks for the escort there Tito Art. May pinadala na po pala kayong susundo sa kanila. ”

            “Anything for Jude. Isa pa alam mo naman excited na ang tita mo na makilala ang girlfriend ng kapatid niya.”

            Napangiti na lang si Lance sa tinuran ng tito niya.

            Si Andy nakahalata sa biglang pananahimik ng kapatid. Niyaya niya na sa labas si Alice, ang papa at mama nila. “Hintayin ka na lang namin sa labas. Pakibilisan baka mauna pa ang Bride sa simbahan huh.”

            Nang maiwan sila saka lang nagsalita ulit si Anthony. “So what brought you here?”

            “I just want to congratulate you. You have her now. Take good care of her.”

            “Im sure hindi ka pupunta dito para lang sabihin sakin yan. You don’t sound bitter, hanga talaga ako the way you handle your emotions.”

            “Wag mo ako igaya sa’yo. Hindi ako kasing stiff mo. I let her marry you, but really, it doesn’t mean na isusuko ko sya sa’yo agad.” Inayos ni Lance ang coat ni Anthony saka inilahad ang kamay na tinanggap naman nito. “Best wishes for both of you.”

            Bago ito tuluyang lumabas may pahabol pa ito, “I’ll see you around.”

MARAMI nang tao sa San Sebastian Cathedral nang dumating si Anthony. Malaking simbahan, mahabang aisle para sa bride. Hindi kaya sa sobrang haba ng lalakaran para sa entourage at sa very romantic na ambiance ng simbahan mauna syang maiyak kesa sa parents ng Bride. Naputol ang pagmumuni muni niya nang kalabitin sya ni Arthur at bumulong, “The Bride has arrive. Get ready Anthony.”

            “Dad I’m nervous.”

            Tinapik ni Arthur ang balikat ng anak. “Sinumpong ako ng asthma nung araw ng kasal namin ng mama mo dahil sa nerbyos at excitement. Thirty minutes delayed ang entourage.”

            The soft melody of their chosen song It Might be You, mixed up with romantic nature of the historic Church made him feel more anxious.

            Lawn si walking down the aisle very very slow .Nanghahaba leeg ni Anthony sa kakatanaw. Hey Girl! Sinasadya mong bagalan ang motion. I want to see my Bride. Nakangiti si Lawn sa kanya na animo nang aasar. Her eyes telling him, Moment ko ‘to. Mamatay ka sa nerbyos.

             Finally, his Stunning Bride has launch in her white wedding dress and veil. Nakangiti ito sa kanya. I got the most beautiful Bride.

Narating ni Janna ang altar and Anthony is holding her hand. First time niyang nakita sa mga mata ng binata ang reality sa sinasabi nito. Anthony Loves her. The way he is holding her hands, he is staring at her, his every answer to the vows. She barely feels how much this man beside her, genuinely cares for her, and loving her. Bantay na bantay nito ang bawat sagot nya sa tanung ng pari. Napapangiti na lang sya sa isiping natatakot ito na baka bigla syang  sumagot ng “NO” at tumakbo palabas ng simbahan.

            Finally, the Holy Sacrament of Matrimony made them Mr. and Mrs. Allevar. He kissed his bride. He definitely know walang pangit na register sa magiging picture si Janna. The fact na Ohlyns Photography ang kinuha nila to cover the whole event. Marami na rin nagsabi they both look good together.

            Hanggang paglabas ng simbahan they are walking hand in hand. Mula sa dulo ng parking lot malapit sa gate ng Plaza nakamasid lang si Jude, hindi sa bagong kasal kundi sa anak niyang si Lance.

            “I think he don’t mind”, anang babae habang nakamasid din sa anak ng boyfriend nya. “He’s just like you. What do you think?”

            “We both are gorgeous, don’t you think so? Hahaha!” saka pinaandar ang sasakyan kasunod ng mga nauna nang umalis going to the reception.

NAPAPALIBUTAN ng mga tao ang bagong kasal, samantalang nakatayo si Lance sa tabi ni Lawn at asawa nito.

            “Lance, salamat nakarating ka. Kala ko ipagpapalit mo na kami sa Japanese Client mo.”

            “Anything for you, Janna. As I was telling you, kahit pa para sa kapatid ko hindi kita ibebenta sa EBAY. Kaya lang pag sya ibebenta ko wala naman bibili jan; malulugi lang ako.”

            Humagalpak ng tawa si Albert. Inirapan ni Lawn ang asawa. “Ayaw pa kase aminin. Kuya sigurado ka bang hindi ako ampon. Sama ng ugali mo. Kapag nakidnap ka hindi ako magpapadala ng ransome. Bahala ka sa buhay mo!”

            “At kapag ikaw ang nakidnap kahit five peso coin hindi kita tutubusin.”

            Nanlaki ang mga mata ni Lawn pagkarinig sa pamilyar na boses. “OH EM GEE!” napatili si Lawn pagkarinig sa namiss niyang mapang asar na litanya “Papa, there you are! Asar ka talaga!” Hinampas nito ang ama sa braso.

            “Hello, Lawn!” Binati sya ng katabi nitong mestisa. Ginantihan lang niya ito ng ngiti.

            “Lawn. Magtutuos tayo mamaya. Isama mo si Andrew.”

            Nagkatinginan ang mag asawa habang napapatawa naman si Janna. “Sinung Andrew?”

            “yang asawa mo syempre, sinu pa ba sa akala mo?” Tukoy nito sa asawa ng anak.

Napapatawa na lang na pinapanood nina Anthony at Janna ang mag ama na animo’y dalawang batang nag- aaway.

            “Tito Jude. If you could freshen your mind for a moment. Maaalala nyo that this good-looking man in front of you is Albert.”

            Sukat sa sinabi ng binata binatukan agad ito ni Jude.”Damuho ka! Wag mo ako tawaging Tito. Kaya pala nagpapaampon ka sa’kin noon, balak mo gapangin ang anak ko.”

MARAMING naging bisita ang mag- asawa sa araw ng kasal nila. The reception was held at the Blueroze Park and Wildlife. And Immediately after the full event. Natapos na ang pinakamahabang gabi sa buhay  ni Anthony. Sa wakas they are on their way papunta sa surprise  niya sa asawa.

            “Janna, is it okey if we live in our own place? Nasa loob din ng farm yun. Medyo malayo nga lang tayo kina mama.”

            “Ngayun mag- asawa na tayo. Alam mo hindi pa rin ako komportable. Naiiyak si Mama at Papa kanina habang pasakay tayo ng kotse.”

            “Natural lang yan. Bukas we’ll have dinner with them. Isama din natin si Uncle Jude, Lawn and. . .Lance.”

            “May problema ba kayo ni Lance? Parang napansin ko since magkita kayo parang di kayo nagkikibuan. Don’t tell me inagawan mo sya ng girlfriend dati? O kaya. . . may ginawa ka noh?”

            “Tsk tsk tsk! Wag mo na munang sirain ang ambiance natin. This is a romantic get away for the two of us. JUST THE TWO OF US. Let’s not talk about any other persona.”

            Nagmenor si Anthony saka nito ipinasok ang kotse sa malaking white gate na binuksan ng guard para sa kanila. Dumungaw si Anthony sa gwardya saka nagpasalamat. “Salamat po Manong Jim.”

            “Maiwan ko na kayo dito Sir Anton. Ipatawag nyo na lang po kami ni Susan ko kapag may kailangan kayo. Nalinis na po ni Susan ang buong kabahayan.”

            “Maiiwan ba tayo dito?” maang na tanung ni Janna sa asawa.

            “Bakit? Don’t tell me you are scared of your gorgeous husband? You know I won’t do any harm on you.” Mapanukso ang ngiti nito habang inaakay sya papasok sa pinto ng bahay.

            “Anthony, I just want you to know. . .” napataas kilay si Anthony sa pambibitin ng asawa sa sasabihin nito.

            “Sana hindi mo sasabihin sakin na pangit pala ako sa malapitan”,pabiro nitong sagot.

            “Hindi ko pinagsisisihan na nagpakasal ako sa’yo.”

            “Thank you, Janna.” Niyakap nya ang asawa habang naluluha luha. Thank God!

MABILIS na lumilipas ang araw. And after 3 months, Wala pa mang namamagitan sa kanila ni Janna, he’s just so glad na nagigising sya na umaga na katabi nya ito sa kama, sa panonood ng TV, at sa tabi na nya ito nauupo when he’s driving through the Farm. Araw araw kasabay nya ito kumain. Dati luto ng mama o ate nya ang kinakain nya. Now, lahat nang kinakain nya luto ng asawa nya. At higit sa lahat. Nayayakap nya ito everytime he wants.

            Dumalaw sila sa mansion ng mga Allevar at nagkataon na nandun din ang mag- asawang Dela Riva.

            “Gusto yata naming magtampo ng papa mo hindi ka dumadalaw sa bahay, huh Janna?”

            “Mama naman! Alam nyo naman may trabaho ako dito. Sana kayo ang bumibisita sa bahay para maipagluto nyo kami ng Chicken Adobo.”

            “Sobrang naman yata kayong busy. Kailan nyo naman kami balak na bigyan ng apo?” Prenteng nakaupo sa sofa si Arthur. “Matagal- tagal nang walang gumagamit ng attick playroom”

            Pinagpawisan nang malamig si Janna sa sinabi ni Arthur.

            Napatawa si Anthony sa sinabi ng ama. “Hahaha! We are working on that matter papa. Actually I think malapit na.”

            “Janna, aalis na kami ng papa mo bukas. Gusto ko pagbalik naming dito, may apo na kami.” Anang mama nya.

            “Mama naman! Ano naming akala nyo madaling gumawa ng apo para senyo na parang kabute bigla na lang sisibol sa tyan ko?”

            “Aba! Syempre kailangan may mangyari muna bago kayo magka anak! Hindi ka naming pinalaking engot! I know your professor taught you how reproductive organs work, and how an embryo formed into human. Umayos ka.” Pinandilatan sya ng mama nya.

            “My wife is being too pressured , tama na ‘yan.” Inawat ni Anthony ang mge elders dahil nahahalata nyang naiilang na si Janna. “Don’t worry sooner or later, magkakalaman na ‘to.” Sabay himas sa tyan ng asawa.

            Nabanggit sa kanila ng mag asawang Allevar na dumaan si Mara doon noong kamakalawa. Humingi ng sorry dahil hindi ito nakadalo sa kasal. Which was awkward na sagutin pa nila dahil hindi rin naman ito invited.

            Hindi naman nagdemand si Janna na ikwento ng asawa ang totoong ugnayan nito at ni Mara, but somehow she wish this man could tell her about those things.

            Tinawagan ni Anthony sina Lawn at Lance para yayain kumain sa labas. Akala ni Janna ay tatanggi ang huli sa imbitasyon lalo’t alam niyang busy din ito sa resort. Pero, bukod sa pagdating nito, isang bagay pa ang ikinapagtaka nila.

            Nagkatinginan ang mag- asawa at nag usap ang mga mata, Is she invited? Pareho nilang iniisip. Bakit nandito si Mara at kasama ni Lance, todo simangot naman si Lawn sa likuran ng dalawa.

            “There you two!”. Pagkakita sa kanila ni Lawn ay nagpatinuna na ito at bahagyang tinabig si Mara. “Pasensya na kayong dalawa hindi ko alam na makakarating pala si kuya. Kung alam ko lang sana di na ako tumuloy.”

            Nanatiling walang imik ang mag asawa hanggang sa makalapit sa kanila sina Lance at Mara. “I invited Mara to join me here. If you don’t mind?,” tanung niya sa dalawa.

            “Yeah, I’m sorry I didn’t know na dito pala ang sinasabing date ni Lance.”

            “It’s okey,” sagot ni Anthony. “Maupo kayo then order na tayo.”

            Si Lawn ang bumasag ng katahimikan. “Actually, dapat sana kasama ko si Albert, kaya lang nahihiya syang sumama. Hindi daw kase sya invited, maybe next time. Saka medyo busy din sya.”

            “By the way, Janna and Anthony. Girlfriend ko na si Mara.” 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola