leideegraphics

 Tagalog Love Story

 No.1

CHAPTER 01

            “BORING ang buhay pag walang ‘Love’, malungkot, you feel alone, miserable, rejected…”

Tinakpan ni Janna ang magkabilang tenga nya sabay sigaw sa kaibigan, “Shut up! Tama ka na sa drama mo, pwede. Naiirita ako! Iritang- iritang irita na akooooooo!”

“Oh C’mon! Little Janna.”

Umupo pa ito sa mesa niya at inagaw ang papel na hawak-hawak ng kaibigan. “Can’t you see? Can’t you see? Ms. Joe Hanna Dela Riva, ang  ganda mong ‘yan, at ang oozing sex appeal mo, loka!”, sabay hampas  nito ng papel sa mesa at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

“Please…”, saway ni Janna dito sabay agaw ng papel na bahagyang nagusot sa ginawa ng kaibigan.

Taas-kilay na umalis sa mesa si Lawn,”Sayang! Kung sa’kin sana ibinigay ang ganyang kamandag, sasaluhin ko lahat ng biyaya sa langit. At walang second thought akong pakakasalan ang lalakeng mag aalok ng kasal sakin. Lalo na kung kelevel ng lahi ko ang looks, davah? Dahil pinsan ko sya swerte kami sa mukha pa lang tubong tubo ka na.”

Seryosong hinawakan ni Lawn ang kamay ng kaibigan at tinapik tapik ito. “Look, hindi ko to sinasabi kase pinsan ko si Anthony or else. Kilala mo si Anthony. He is ….”

“Rude” putol ni Janna sa sasabihin sana ni Lawn. “He is intimidating, he is humiliating, he is devastating, he is annoying . At higit sa lahat sya na ang pinaka-plastic na lalake na nakilala ko in my entire life.”

“Golly! Hoy bruh, pinsan ko yata pinag uusapan natin dito. Ang laki naman ng tampo mo sa pinsan ko grabe ka naman. To think na may pinsagsamahan kayo dati.” Napataaas-kilay na naman ito, “Parang si Anthony na ang pinakamasamang lalake sa balat ng lupa. Ni ayaw mo sabihin sakin ang dahilan bakit umuurong ka sa kasal nyo.”

“That I don’t like him is enough reason para walang maganap na kasalan .” Walang tingin ipinukol kay Lawn habang ito naman patuloy sya sa walang humpay sa kakatalak sa kanya.

“Serious friend.” Sumalampak ito sa swivel at nagpaikut-ikot saka bigla tumigil at nag indian-sit doon, “Bakit nagdadalawang isip ka na ituloy ang usapan nyo ni Anthony?”

Tuloy lang si Janna sa ginagawa habang hinihintay naman ng kaibigan ang sagot nya.

“Pssssst! Hoy! Bakit nga?”

Sumandal sa upan si Janna, “Simple lang,” sabay taas ng kilay.”Hindi ko sya gusto”

“Lolz! Sinu ba ang gusto mo na magpakasal sayo? Si Panchitto?”

“Kung buhay pa si Panchitto, why not?” sabay ngiti sa kaibigan.

“Alam mo Lawn. Hindi ko gusto ang aura nya. He doesn’t even know how to smile. I wonder if he knows how to cry. Kung saang lupalop man sya ng mundo galing. That place just turned him into Zombie.

“He came from Canada. Walang zombie ’don.”

“Wherever.” Ibinalik nya ang focus sa ginagawa, pero bumalik sa kanya ang mga nangyari before this day.

MONDAY, Ten o’clock in the morning. Malakas na katok sa pintuan ng kwarto ang gumising sa kanya.

“Ang aga naman ng bulabog.” Kakamut-kamot pa sya sa tyan nang buksan ang pintuan ng kwarto nya. “What?” Tila bwisit na tanong nya pagkabukas ng pinto pupungas pungas pa.

“Oh My God!,”sabay tulak ng kaibigan sa kanya pabalik sa kwarto at sa lakas ng pagsara ng pinto halos mabingi sya.

Who the hell is that guy na nasa labas ng kwarto ko?  Si Anthony ba yun? Napatingin sya sa salamin sa paanan ng kama nya, “What the…” nanlaki ang mga mata nya sa itsura nya “Oh my gulay! Ang sagwa mo!” gulantang siya sa itsura nya sa salamin.

Binato nya ng unan ang salamin saka niya patakbong tinungo ang banyo. Mabilis syang naghilamos, nagtooth brush at kumuha ng pampalit na damit.

Naalala nyang i-text si Lawn. BALIW! BKIT U DNALA D2 SI ANTHONY.

Maya- maya nagreply ang kaibigan nya. NAGULAT NGA AKO NSA LABAS ZA KNINA. GUS2 K DW MAKITA.

Nang makabihis sya ay bumaba na sya dahil hinihintay daw sya ng kababata.

“Anthony, what are you doin’ here?”

“I just dropped by to see yah here. You’re cute.” Walang kangiti ngiting sagot nito sabay abot sa kanya ng hawak nitong paperbag. “Binigay ko na kay Lawn ang pasalubong ko sa kanya. This is yours. Hope you like it.”

Napakunut-noo sya sa kababata. “You just arrived from Canada?”

“Yeah, kakarating ko lang. Dito muna ako dumaan.”

“Uhuh. By the way thanks for these.”

Tumayo si Anthony sabay hawak sa kamay nya. “Shall we go?”

Napamaang sya sa tanung na iyon ng kausap. “Where?”

“Gusto ko sana kasama ka nina mama sa pag welcome sakin. If you don’t mind.”

“Ah okey… but I gotta change my outfit first.”

“No. I’ll take care of it.”

Umalis sila ni hindi na nila nagawang magpaalam sa kaibigan na bigla na lang nawala kanina pagbaba nya.

“Don’t bother. Nagpaalam na ako kay Lawn kanina. Ipapasundo ko na lang sya mamaya to attend the party.”

Napatingin sya dito,”Party? Welcome party?”

“Sort of. Parang ganun. Hope you don’t mind”

SA BILIS ng mga pangyayari, ang malinaw lang nya natatandaan. Tatlong Professional Beauticians ang nagtulung –tulong sa pag aayus sa kanya an hour before the party. Nagulat nga sya sa isusuot nya. Designers’ Clothe pa at halatang hindi basta basta.

            “Miss, pwede magtanung?” tila nahihiya pa syang kausapin ang isa sa make up artist kase pare-parehong walang imik ang mga ito.

            “Yes ma’am?”

            “Bakit andaming nag aayus sakin? Hindi naman ako ang I we welcome sa party. Nahihiya tuloy ako. Saka bakit wala sina Tita Anna dito? Sila ang dapat inaayusan hindi ako.”

            “Tapos na po sila kanina pa.”

            Maya- maya may nagbukas ng pinto eksaktong nakabihis na sya noon.

            “Beautiful,” maikling puri mula kay Anthony habang walang kakurap- kurap na nakatitig sa dalaga. “Shall we?” Inilahad ang kamay sa dalaga at inabot naman nito. Sabay silang bumaba kasabay ng malakas na announcement ng emcee sa labas.

            “. . .and tonight, let’s give a round of applause to the soon. Mr. and Mrs. Allevar!”

            Ang inaasahan ni Janna ang mag asawang Allevar na sina Arthur at Anna ang tinawag ng emcee, pero may word na, “soon?”. Nagulat na lang sya nang magsimula na silang humakbang papunta sa gitna ng crowd. Nabitin sa ere ang isinusubong cake ni Lawn nang makita ang kaibigan na mala Beauty Queen sa gitna, kasama si Anthony.

            Lalo nanlaki ang mga mata ni Lawn sa nasaksihan. Lumuhod ni Anthony sa harap ni Janna at narinig nya ng malinaw na malinaw ang linyang … “Ms. Joe Hanna Dela Riva, please marry me.”

PARANG nanaginip lang si Janna . Right after the Welcome- Engagement Party that night, the Allevars’ talked to her .

            “Janna, I know nagulat ka sa nangyari kanina.” Hawak hawak ng ginang ang mga kamay niya habang nagpapaliwanag. “Hija, I’m so sorry we didn’t inform you first about these.”

            “ummmmp, tita . . . ” speechless siya mula pa kanina nang sumagot siya ng mahinang ‘yes’ kay Anthony.

            “Kahit kami; hindi namin expected na mangyayari ito ngayun. Anthony just called up nang umuwi sya kanina and he demanded this party ASAP, kaya few close friends and business partners lang ang bisita kanina. ” paliwanag ni Arthur.

            “Totoo po bang engagement  ‘yung kanina? I mean . . . hindi po ba part of business or whatever ‘yun mga nangyari ?”

            “Totoo lahat yun.” Naupo sa tabi nya si Anthony sabay tungo. “Janna I’m sorry for the pressure.”

            “Yeah, but…” Napapaisip siya sa mga nangyari kanina. “Bakit may ganun? I mean, the engagement­­ party, the wedding ring. Wala akong maintindihan sa mga nangyari kanina.”

            “I’ll explain to you some other time.”

            Humahangos na papalapit si Lawn sa kanila, “any….body here, please… explain wa…hat happened!” tutop ang sintido sa sa hindi mawari na biglang pagsakit ng ulo nya. “Ang sabi mo Anthony kanina, you just wanted Janna be your muse for tonight.” Humalukipkip ito saka binalingan ang kaibigan. “At hindi mo yata ako nainform about this, Ms. Joe Hanna Dela Riva; as your LAWFUL BESTFRIEND,” may diin sa huling salita nito.

            Napapangiti na lamang sa isang sulok ang magkapatid na sina Andy at Alice. Ang totoo wala din silang alam sa nangyari kanina. But knowing that Janna will about to be part of the family, and take note that their brother just arrived few hours ago; a nangyari nga ‘to.  Natawa lang sila sa kinahinatnan ng party kanina at sa reaksyon nina Lawn at Janna, syempre pati ng parents nila.

            “Lawn, Janna has nothing to do with what had happened.” Nilapitan ni Arthur ang pamangkin at tinapik sa balikat. “We’re sorry, it had to be an immediate decision.”

            “Uncle, ano ‘to emergency? Urgent hiring. OH EM GEE! Anu na lang sasabihin nina mama Sylvia sakin, pabaya akong kaibigan?”

            “I’ll explain to you some other time,” ulit na sagot ni Anthony sa pinsan. “So Lawn. Ikaw na muna ang bahala kay Janna. I’ll be gone for a week.” anito.

            “Nice Anthony! Akala ko ba fiancée mo na si Janna. Pagkatapos ng gabing ito, you should be the one to take care of my friend.Tama ba namang ibalik mo si Janna sa akin after that ‘Scandalous Maneuver ‘.”

            Hinila sya ni Janna sa braso “Uuwi na kami.” Nagpaalam na si Janna  sa kanila. “Tito Art, Tita Anna, Ate Andy , Alice got to go.” Kumaway na sya sabay hila kay Lawn.

A WEEK na hindi nila napag usapan ni Lawn ang tungkol sa engagement. Apat na araw nang nasa Palawan si Anthony para sa Agri-Business Meeting together with other  Business Tycoons . Malayo mula sa Batangas. At sandaling natahimik ang isip nya sa worries.

            “I never thought I’ll be missing you in just one week.”

            Halos mapalundag sya sa baritonong boses na bigla susulpot sa lukuran nya. “What the!”

            “Hi!” Bagamat walang kangiti- ngiti mula sa binata, he never failed to amaze her. A hypnotic – masculine pair of eyes.

            Napabuntung- hininga si Janna. Ibinaba nya ang hawak na hose saka pinatay ang gripo. “Paborito mo talagang hobby ang manggulat.”

            “I just dropped by.”

            “Yeah. Oh Please! You just dropped by, at natatandaan ko nang huling beses ka nag drop by dito sa bahay, na trauma ako sa fast forward na nangyari sa buhay ko,” At ganung kabilis din nagpalit status ang facebook character ko from single to engaged. Idudugtong pa sana niya

            “Hahaha!” napatawa si Anthony sa sinabi ni Janna. “ Wala ka naman sakit sa puso, kaya kahit ilang beses kita gulatin, it’s okey.”

            Halos magdikit ang kilay ni Janna sa kauna unahang beses na nakita nya at narinig. Oh my! Did I just heared him laugh?

            “Eheem!” hindi nya namalayan nakalapit na pala sa kanya si Anthony. “Any problem?”

            “Hmmmp. Marunong ka pala nun.” Wala sa loob na naisatinig niya ang naglalaro sa isip kanina.

            “Marunong ng ano?” napamaang si Anthony sa sinabi ng dalaga.

            “Wala. Don’t mind.”

            “I heard that Lawn isn’t here. Alice just asked me if I could bring you home with me.”

            “Baka naman pag sumama ako sayo mamaya bigla mo na lang ako hilahin papunta simbahan at mapilitan ako pakasalan ka right away.”

            “No… No… No..That I won’t do. Promise.”

PAGDATING nila sa Hacienda may unfamiliar figure na sumalubong sa kanila.

            “Hey Babe, Surprise !” sabay halik sa labi ni Anthony. “I’ve waited here for almost 4 hours.”

            Hindi maipinta ang mukha ni Anthony sa  ginawa ng babae. “What the hell are you doin’ here, Mara?”

            Sa kanya bumaling ang babae at hinila sya palayo kay Anthony. “And who is this girl? Other woman? “ sa tono nang pang iinsulto.

            Hinawakan ni Anthony ang kamay nya at inagapayan sya sa paglalakad. Tinalikuran nila ang babae. “Don’t mind her, “anito sa kanya.

            “Hey you, Anthony! Don’t dare ignore my presence,” hiyaw nito habang naglalakad palapit sa kanila.

            Tumigil  ang binata sa paglalakad at sinenyasan syang mauna na sa loob.

            “Why you keep on running after me? I believe I told you once. We are NOTHING! I don’t love you, I don’t even like you! I hate seeing you around. “

            “Yeah? Really? Hindi ‘yan ang sinabi mo sa akin even before you left me in Canada.”

            “Well, you gotta forget it all. Dahil ako, nakalimutan ko na ‘yon.”

            “At gusto mo maniwala ako?” And you want me to go away? Umalis ka dahil sa threat ni papa sa’yo. Sinabi nya that you are ruining my studies. And that is not true!” pagdidiin nito.”I’ve been doing good in School.”

            “Mara, please leave,” kalmadong pakiusap nito sa kanya. “Nakakahiya kay Janna. You’re being scandalous.”

            “And that Janna. Who is she?”

            “You don’t care.” Iniwan nya ito sa labas at pumasok na sa loob papunta kay Janna.

“JANNA, I’m so sorry,” hinging paumanhin ni Anthony sa kanya. “I didn’t expected that girl be here.”

            “It’s okey. Sinu nga pala yung babae kanina?” maang- maangan nya.

            “She’s Mara, a friend from Canada.”

            “Friend? I don’t think so. Hindi lang sya kaibigan, I guess. Hindi ‘yon ang ibig nyang sabihin sa sinabi nya kanina.”

            Sumingit si Andy sa usapan ng dalawa, “Si Mara ang First Love ni Anthony. Am I right?”

            “Ate!” saway nito sa kapatid. “Stop it!”

            “Anthony,you’re not being fair. Sabihin mo na kase ang lahat ”

            “Will you please shut up!” impatience is in his tone.

            “They insulted you. That is why you decided to leave Mara and go back here. In fact, Hindi ba si Mara din ang dahilan kaya nagpumilit kang sa Canada mag aral?”

HINDI alam ni Janna ang iisipin sa mga sinabi ni Andy .

            So she is engaged with a man who is in love with the girl named Mara. At para saan ang engagement nila, kung ganun? When she knows that Anthony did not planned the proposal for Love’s sake.

            Nang pumunta si Anthony sa Hacienda walang paalam syang umalis at umuwi na.

            “ Where have you been?”

            “Sa jungle,” maikling sagot niya.

            “Kasama ko nga pala si kuya. Dumiretso muna sya sa bahay nina Lolo sa Laguna. Then uuwi din sya dito after few days.”

            “Si Lance?”

            “Meron ba akong ibang kapatid? He decided to leave his job there. Sya na lang daw magmamanage ng resort,” anito sabay ngiti. “Regalo daw nya yun samin ni Albert.”

            “So, kumusta ang boyfriend mo?”

            Napangiti si Lawn, ipinakita ang singsing sa kaliwang palasingsingan. “Guess what.”

            “Wha……………..at!” gulat na hinatak nya ang daliri nito para titigan ang singsing. At may naglalaro sa utak nya ngayun.

            “OA.” napatawa si Lawn sa, “Sorry nauna ako magpakasal sa’yo huh?” anito kinikilig pa.

            “Amf! Bruha ka!” Binatukan nya ang kaibigan sa inis. “Ang lakas ng loob mong sermonan ako sa harap nina Tita Anna. Tapos, ikaw? Wala kang paalam na umalis. At hindi mo ako isinama. May pa best friend-best friend ka pa! Mauuna ka pa pala ikasal sakin.How dare you!”

            “Nagtampo ang bruha.” Ikinuha sya nito ng juice sa kusina. “Don’t worry sa judge lang ako kinasal. We are planning to get wed after 6 months, at ikaw ang bridesmaid ko.”

            “O baka naman nagtatampo ka kase nauna ako nagpakasal sa’yo?”

            “I’m having second thought of marrying him.”

“Ows?"


CHAPTER 02

            HINDI niya nakuhang tumanggi kay Alice nang sunduin sya nito sa bahay at isama sa Hacienda.

            “I told you Janna. I don’t like that girl na umaaligid-aligid sa’min. At ayoko lalo na feeling close sya sa amin ni ate Andy.”

            “Mukha naman mabait si Mara. Don’t you think sila ni Anthony ang dapat na ikasal at hindi kami? Isa pa Alice, I think Anthony and Mara have something ,” umaasa syang nakuha nito ang ibig nyang sabihin,“alam mo na.”

            “Bagay? Compatible? No way!” tutol na sagot ni Alice. “Alam mo kung anu meron si Mara? Meron syang tililing, masyado syang pretenscious. Pumunta ng Canada si Kuya but its not true na para sundan sya. Kung anu- anong storya ang sinasabi nya. ”

            “Pero sinabi sa’kin ni Ate Andy na. . .”

            “Alright totoo ang sinabi ni ate sa’yo na first love ni kuya ,that girl, but hallloooo! Wala pang taste si kuya noon.To think na may attitude ang babaeng ‘yun. And in fact, that was decades ago.”

            Mataman lamang na nakikinig sya dito habang nagsisintimyento.

            “Mabuti umalis na sya. She went into Don Mariano’s Rest House. Malayu- layo din ‘yon dito. Sana lang sumpungin sya ng Lazy sickness nya para din a sya bumalik dito ”

            “Anthony loves her. Bakit ganun nya pakitunguan si Mara?”

            “I dunno’ and I don’t care.And I don’t really mind kung mahal pa sya ni Kuya o hinde, okey. Hindi namin gusto ang ugali ni Mara mula pa noon.” anito labas sa ilong ang huling sinabi. “Anyway, wala naman syang magagawa. Hindi na sila pwede. Puppy love is still puppy love. Kuya is engaged to be married. Ikakasal na kayo, and that thing is for sure.”

            Ikakasal ba? O baka isasakal. Hindi naman ako mahal ng kapatid mo kung alam mo lang; bulong sa utak niya habang iniisip ang mga sinabi ni Alice. Eh bakit ako, mahal ko ba sya?

            Nang marating nila ang Hacienda, niyaya sya nito sa Green House ni Mrs. Allevar.

            “Kasama ko si Mara dito kahapon. Kung nakita mo lang ang reaksyon nya.” Napapailing si Alice nang maalala kung pa’nu nag inarte si Mara kahapon.

            “Bakit? Anu naman ginawa nya nung isinama mo sya dito?”

            “Taranta nyang hinanap ang daan palabas,’Ouch! I don’t like it here. Baka ma-allergy ako. Where’s the way outta here?’,” ginaya nito kung panu umarte si Mara nang araw na ‘yon. “Gusto ko nga syang iwan dito at i-lock hanggang sa himatayin. I just don’t like being mean.”

            “Anung nangyari pagkatapos?”

            “Dumating si kuya at sinundo nya si Mara. Sabi ni mama pina-escortan daw sya sa driver papunta sa rest house. May sarili kaseng kotse ang bruha. Buti na lang hindi na nag volunteer si kuya na ihatid sya.” Kinukuting ting nito ang tuyong dahon ng orchids.

            Narinig ni Janna ang pagbukas ng pinto ng Green-House. Napalingon sya. Nakita nya si Anthony na papalapit sa kanila. Walang kangiti- ngiti.

            “Sabi ni mama, treat her good daw. She’s a family friend though. Eh kaya lang...” nang balingan nya si Janna, natigilan sya. Di nya namalayan nandun pala ang kuya nya. “’nak ng kabute naman kuya, kanina ka pa ba dyan? Magsasalita ka naman.”

            “Kakarating ko lang, enough to hear your lines,” anito.

            “Galing ako sa bahay nina Janna. Sabi ni Lawn sinundo mo nga raw sya.”

            “Oo kuya. Kase baka nabobored na sya dun. You know ayaw sya payagan ng parents nya na magtrabaho.”

            “Sabi nila palagi sakin. I have to prepare myself para I handle ang investments nila sa iba ibang firm. Gawain lang ng tamad yun. Lakad duon lakad dito. Sakit sa ulo aabutin ko.”

            “Kuya, hindi ba you are looking for a secretary?”

            “Yeah. Then?” kunut- noong sagot nito sa kapatid.

            “Why not hire Janna to be your secretary? Parang training na rin nya. What do you think? Don’t you think that’s a good idea?”

            Napakamot sa kilay si Anthony saka tiningnan ang reaksyon ni Janna. “I don’t think na papayag sina papa sa ediya mo Alice.”

            “Gosh! Ikaw ang tinatanung ko hindi sina papa,” halata ang inis sa sagot ng kapatid.

            “Ummmp. Alice, baka hindi ako qualified.” Nag- aalangan syang sumang ayun sa suggestion ni Alice. Awkward para sa kanya ‘yun. Lalo’t hindi nya alam kung saan nya ilulugar ang sarili nya. Knowing that she’s the Emmediate Fiancee of  Anthony Allevar. And yet she has a second thought of marrying him.

            “You are over qualified.” Tinanggal ng binata ang agam agam sa kanya sa pag aakalang ang qualifications ang iniisip nya that very moment. “Kaya lang, soon. You will be my wife. Hindi naman yata tama na secretary kita, while you’re my fiancee.”

            “Yun lang ba iniisip mo?” ani Janna sa binata.

“Then I’ll be professional enough. I just want to experience working. Nakakasawa naman nasa bahay lang, as if I’m waiting for dying days. Pwede mo ako sermonan if you want. ”

            “Lolz ka Janna!” Napailing na lang si Alice sa sinabi nya.

SHE ASKED for the Allevar’s permission para maging secretary ni Anthony. Syempre nagpaalam din sya sa best friend nya.

            “Pinayagan ka nina Uncle?” nasa tono nito na tila di makapaniwala sa pagpayag ng mag-asawa na kunin syang secretary ni Anthony. “Anung pumasok sa kukote mo bruha ka? Mas mayaman ka sa kanila then you’ll be a secretary Por Dios por Santo naman!”

            “Lawn, exaggerated ka talaga kahit kelan”

            “Yeah , agree. That is just one of things na namana ko sa’yo.”

            Bigla tumunog ang doorbell. Tumayo si Lawn at lumabas para tingnan kung sinu nasa labas ng gate. 

            Pagbalik nito may dalawang paperbag na dala. “Si kuya andami dala.”

            “Nanjan na si Lance?” Excited  na lumabas sya para salubungin ang kapatid ni Lawn.

            “Lance!”sabay yapos dito ng mahigpit. “Wow ang tangkad mo lalo ah.”

            “Huwow chick! Hahaha!” biro nito sabay ganti ng yakap sa dalaga.

            “Tara na sa loob at pagpyestahan natin mga pasalubong ni kuya,”

            Inakbayan ni Lance ni Janna at magkaagapay na pumasok sa loob ng bahay.

“IKAKASAL SINO?!” nasa tono ni Lance ang pagkagulat sa sinabi ng kapatid. “Si Anthony at si Janna? How about Mara?”

            “Shut the fuck up Bro’! Mara is not part of the story. Extra lang sya.”

            Binalingan nito si Janna na tahimik na kumakain ng chocolate sa tabi nya. “Pumayag ka na pakasalan si Anthony?” anito.

            “Yeah. I’m not sure. I dunno’ kung anu dapat kong isagot kaharap ang maraming tao. Wala akong choice at saka nagulat ako. Hindi naman nila sinabi sa’kin na may ganun pala sa party. I thought that was just a plain welcome party para kay Anthony.”

            “Kahit kalian talaga padalus dalos magdesisyon si Anthony. They don’t even have clear explanations about what is between them ni Mara. Then now bigla ka nyang yayayain na pakasalan sya.”

            “Anu gagawin ko Lance?”

            “Kakausapin ko sya after kong maayus ang papers sa resort.”

            “At hindi lang ‘yan kuya. Pumayag yang loka na ‘yan na maging secretary ni Anthony.”

            Napapailing na lang si Lance sa mga sinasabi ng kapatid.

KINABUKASAN mag-isa syang nagpunta kina Anthony para kausapin ito. Iniwan naman nito ang ginagawa nang malaman nasa Mansion sya. Niyaya sya nito para sa Lanai mag- usap.

            “I’m glad you’re here. Ipapasundo pa sana kita mamaya.”

            “Anthony, I have to say something.” 

            Saglit na natigilan si Anthony sa tono ng dalaga. Hindi maganda ang kutob nya sa pag- uusapan nila, sa tono pa lang ng dalaga.

            “Anung . . . sasabihin mo? Go ahead. Makikinig ako.”

            “Anthony. . .” tila kinakabahan sya. Hindi nya alam kung ano ang magandang approach para dito. “Wag na natin ituloy ang kasal.” Sa wakas nasabi nya rin.

            “Huh?”            Kasunod ay ang bilang pagkunot ng noo nito. “Anung sinasabi mo dyan?”

            “Kase, Anthony ganito ‘yon.  Wala naman tayong relasyon bukod sa pinsan ka ng best friend ko, anak ka ng best friends ng parents ko, magkaibigan tayo. Hindi mo rin naman ako girl friend.”

            “Kailangan bang maging girlfriend muna kita bago tayo magpakasal? In fact I was your best friend even before you befriend my cousin!”       

            “Oo nga, nandun na ako. Sabihin na natin we used to be friends. Pero Anthony. . .”

            “Then manliligaw ako sa’yo,” bigla ang pagsagot nito. Hindi nya inaasahan ang sagot na ‘yon mula sa binata.

            “Janna,” hinawakan nito ang mga kamay nya saka dinala sa mga labi at hinalikan. “Kung anuman ang iniisip mo. I know you’re having second thoughts of marrying me. Alice just informed me about it.”

            “Hindi rin malinaw ang dahilan bakit tayo magpapakasal Anthony.”

            “We’ll be dealing with that issue, soon.” Hinigpitan nito ang hawak sa kamay nya. “Please Janna, I don’t want us to talk about this thing again. Ayoko na pag uusapan pa natin ulit ‘to.  I just can’t accept it and I don’t think things will be better of that way.”

            “Andami kong hindi natatandaan. I’m sorry Anthony. Im just. . .”

            “Shhhh,” sinagga nito ang anumang sasabihin nya, “Ipapaliwanag ko sa’yo when we get there. By now, I just want you to freshen up your mind. Baka sakaling maalala mo.”

            “Ang alin?” Clueless sya sa mga sinasabi nito. Wala sya maintindihan.

            “You are the most wonderful thing ever happened to me.Losing you is my nightmaire.”

            Auch! Kinikilig ka dyan bruha. Kita mo wala naman reaksyon sa mata nya. Labas sa ilong’yan.

“MAMA, nahihirapan na ako,” maluha luhang ibinato nya ang picture ng dalawang bata sa sahig. “Bakit hindi pa rin nya maalala, mama?”

            “Anthony, alam ko nahihirapan ka. Pero wala naman tayo magagawa. She is still under medication. Hindi pa niya naaalala lahat.”

            “That day! That very day na magising sya in hospital bed. Na excited ako dahil she’s alive,” napangiwi sya nang maalala ang kauna unahang salita binigkas ni Janna sa kanya. ‘Sinu ka’. Muli syang napaluha nang magbalik sa kanya ang nangyari. “I thought pag nagpunta ako ng Canada it’ll ease the pain. And I just thought after years baka sakaling ‘pag bumalik ako maaalala na nya. Six years have past. Bakit antagal naman ‘ma?”

            “Hindi natin pwedeng pwersahin si Janna na maalala ang lahat. Even her parents, hindi nila magawa. Kaya hinayaan nila na bumalik dito si Janna, hoping that she will bring back her memories. At aminin mo hindi umubra ang paggamit mo kay Mara to forget her.”

            “Yeah, it didn’t work. I chose her, pero nang sabihin nya kanina, that she doesn’t want to marry me. Ang sakit nun ‘ma. The pain is killing me.”

            Naawa si Anna sa anak sa pinagdadaaanan nito. “Maaalala nya rin ang lahat. She just need more time. Partial amnesia lang naman yun.”

            “ Second time ko nang umasa ‘ma. This is my second time na bumalik dito para sa kanya. Kapag hindi pa rin, I’ll go back to Canada , and for good; I’ll stay there, kasama sina Lolo.”    

            “Anthony, anak.” Hindi nya gusto na tuluyan nang mahiwalay sa pamilya ang nag iisang anak na lalake, lalo’t ito ang inaasahang magmamana ng Hacienda.   

KINABUKASAN  ng umaga dumating si Mara sa hacienda. Pinuntahan nito si Anthony sa opisina nito sa Rancho.           

            “What are you doing here? I don’t think I invited you here.”

            “Anthony, let’s get everything settled. Matatanggap ka ni papa. Bumalik tayo sa Canada.”

            “Please Mara, alisin mo sa utak mo na pwede tayo. First and foremost, walang tayo. You just misinterpreted my concerns. We are just friends. Para na kitang kapatid. I don’t love you the way your mind is telling you. Period!”

            Hindi sumagot si Mara bagkus hinawakan ang batok ni Anthony saka hinalikan sa mga labi. Hindi tumugon si Anthony sa ginawa ni Mara. He just let her do what pleases her.

            Ang tagpong naabutan ni Janna. “Ehem!”

            Bigla tinulak ni Anthony si Mara nang marinig ang boses sa may pintuan. “Janna, kanina ka pa?”

            “Nandito ako para ibigay ang requirements ko. But since, I guess you are busy in something more important,  balik na lang ako mamaya,” akmang tatalikod na sya nang pigilan sya ni Anthony. “Janna. . .”

            “Requirements?” Lumapit si Mara sa dalaga at walang paalam na kinuha ang hawak na folder nito. Sandaling binasa ang mga laman ng folder saka ibinalik sa dalaga. “Nagkamali pala ako. I thought you are the other woman. Secretary ka lang pala,” mapang-uyam na saad nito.

            “Mara will you please leave me alone?”

            “By the way , Ms. Joe Hanna Dela Riva. I’m Mara. Girlfriend ako ng boss mo.”

            Ginantihan nya ng ngiti si Mara saka nakipag kamay dito. “ Please to meet you.”

            Sarkastikong ngiti ang iniwan ni Mara saka tinalikuran ang dalawa sabay kaway, “see you around guys. I’ll keep in touch. Muah!” nag flying kiss pa ito kay Anthony.

            Nakahinga nang maluwag si Anthony nang makaalis na si Mara. Si Janna ang hinarap nya, “ kung anuman nakita mo kanina. It’s nothing. Mara and I were just friends.”

            Hindi pinansin ni Janna ang sinabi ni Anthony bagkus inilapag ang folder sa mesa ng binata at nagpaalam na. “Ito lang naman ang sadya ko, Bye.”

            Napabuntung-hinginga na lamang si Anthony nang umalis si Janna. Iniisip nya hanggang kelan nya dapat pigilin ang sarili na ilapit ang sarili dito. It seems like, unti- unting lumalayo ang loob nito sa kanya. Hindi kagaya noong sila pa. Six years before itong magka amnesia.

            “Janna, I missed you.”

            Bumalik sya sa mesa niya para itago ang folder ng dalaga. He just need Janna, not those papers.

NGAYUN bumabalik sa isip nya nang madatnan nyang naghahalikan sina Anthony at Mara. Yun ang dahilan kaya nagdesisyon na syang wag ituloy ang kasal nila ni Anthony. At sasabihin nya ‘yun sa mga Allevar sa lalong madaling panahon.

            “Since I can sustain my families properties alone. I won’t be needing his investments kung maikasal man kami.”

            “Bigla ka naging bitter, Janna. Hindi business ang kasal, uy! Your wedding with Anthony is not a venture na kelangan may profit after.” Hindi sya makapaniwala na sa araw na ‘yon kung anu-anong lumalabas sa bibig ng kaibigan nya, na minsan man hindi nya expected na masasabi nito. “Nakalimutan mo na ba. Wedding is sacred. At ‘yang singsing na yan sa daliri mo, that is a symbol of Love.”

            “Tama, Love. Pero wala kami nun ni Anthony. This is just a ‘Role Play’. Extra lang ako, and Mara? She is the real-main character, in fact she’s pretty.”

            “Did I just heard your tone?” mapanuksong nilapitan nito ang kaibigan at sumipol sa hangin sabay tapik sa balikat nito, “bakit kaya di na lang sabihin ng isang bata na nagseselos yata sya kay Mara.”

            Bigla bumukas ang pinto at nakangiting pumasok si Lance. “Anung pinag-uusapan nyo at hanggang sa labas eh naririnig ko ang boses ng mangkukulam na ‘yan?” tukoy nito sa kapatid.

            “Tumigil ka kuya baka ibato ko sayo ‘tong desk!”    

            “Pikon. Hahaha!” ginusot nito ang buhok ng kapatid saka hinila palabas si Janna. “Isasama ko lang si Janna sa Resort.”

            “Ako, kuya hindi ba ako kasama?” akmang hahabol sya sa dalawa pero nakalabas na ng bahay ang mga ito.

“HINDI ko alam na nandito pala si Lance. Hindi nabanggit ni Janna sa’kin”           

            Dumaan si Anthony sa bahay nina Lawn para sana kausapin sana ang fiancee’. Tatlong araw nya itong hindi nakikita. Ginawa na lang nyang excuse na first day nito bukas sa Hacienda.

            “Anthony, bakit hindi mo pa sabihin kay Janna ang totoo? Hindi ‘yung pareho kayo nahihirapan.”

            Napatungo si Anthony sa sinabi ng pinsan. Heto na naman ang issue na ‘to. Napepressure sya kapag pinag uusapan ang tungkol sa sitwasyon nila ni Janna.

            “At ang laki ng pinagbago mo. Hindi ka dating ganyan. Alam mo ang sinabi sa’kin ni Janna?”

            “What? ” kinabahan agad si Anthony.

            “…that you are intimidating, humiliating, devastating, annoying. At ito pa, she is planning to back out sa kasal nyo, as soon as possible.”

            “Hahaha!’” napatawa na lang si Anthony sa sinabi ng pinsan nya. “ Kung pwede ko nga lang sya kidnapin at itago sa Hilltop para mapilitan magpakasal sa’kin.”

            “There you are! That’s really you,” sabay batok sa kanya. “Wag ka umarte na parang si Capistrano. Naaasar sya sa ugali mo na wala kang kangiti ngiti. You seemed like a man- made stiff-neck allover. Boring ang personality mo na ‘yan. Saan mo ba natutunan ang ganyang style? Uso ba ‘yan sa Canada?” , sarkastiko pero pabirong sermon ni Lawn sa pinsan.

            “Wag mo nga ako sermonan. Baka nakakalimutan mo inagaw mo sa’kin si Janna.”

            “MALAKING ….Excuse me? Hey dude! Nagka- amnesia sya remember? Ikaw pa rin ang orig nyang best friend. Hindi ko inagaw si Janna. Inaamin ko, I am her pirated best friend.”

            “I wonder how will I tell her the truth. Mas gusto ko na maalala nya ‘yun nang hindi ko sya pupwersahin.”

            “Bakit di natin sya inuntog sa gate nyo?” pabiro ang tono ni Lawn pero tinitigan sya ni Anthony ng masama. “Tutal matigas yun. O kaya sa biceps mo na lang. Hahaha!”

            “Ikaw kaya iuntog ko dun?”

            “Malay mo bumalik ang ala ala nyan pag ginawa mo ‘yun?” Pabirong habol pa nito.

            “So she’s with Lance?”

            “Yeah, niyaya sya ni kuya Lance sa resort, at iniwan ako dito. Sumunod na lang daw ako mamaya.”

            “Magbihis ka punta tayo sa resort.”

            “Ngayun na?”

            “Ngayun na. Go!” itinulak sya nito paakyat sa hagdan at pinagmadali syang magbihis.

NANG makarating sila sa resort ang Manager ang nakausap nila. Isinama daw ni Lance si Janna sa Port ng Yate.

            “Alam ko na kung nasaan sila.”

            Kabisado ni Lawn ang lahat ng sulok ng resort kaya alam nya kung saan ang yate na sinasabi ng Manager.

            “Ayun sila.” Itinuro ni Lawn kay Anthony ang dalawa.

            Hindi natinag si Anthony sa kinatatayuan. Listening to Janna’s laugh just made him smile, pero ang marinig itong tumatawa kasama si Lance; just made him jealous. Pag kaharap sya nito he can’t see those smiles.

            “Tatayo ka na lang ba dyan?” Hinila sya ni Lawn papunta sa dalawa.

            Natigilan si Janna pagkakita kay Anthony na parating.

            “Janna, I’m glad you’re fine.”

            “Yeah, I’m always fine.”Nilingon nito sa tabi si Lance. “Thanks to Lance. I’m having a great time here,” sabay ngiti.

            “Mauna na kami ni kuya sa inyo.” Nagpaalam na sya sabay hila sa kapatid. “Kuya may papipirmahan ka daw sa’kin?”

            “Yeah, mabuti napaaga ka ng punta dito. Come along.” Nagpatinuna na si Lance sa kapatid. Alam nya na may dapat pag usapan ang dalawa.

            Naiwan sina Anthony at Janna sa yate. Napuno ng katahimikan ang paligid. “Tsk, tsk.” Napailing na lang si Anthony.

            “Galit ka ba sa’kin Janna?” Binasag na nya ang katahimikan dahil batid nyang wala itong balak na mauna magsalita.

            “ Bakit naman ako magagalit?” maang- maangan pa nito.

            “I havn’t seen you lately. I thought minasama mo ang ginawa ni Mara the last time. . .”

            “. . . I got no rights para masamain ang nakita ko. Kaanu- ano ba kita? We are just having a business here. I’m your fiancee, not your wife yet.” Nakatingin pa rin sya sa laot habang sumasagot sa tanung ng binata.

            “Yeah right.” Pag sang-ayun na lang ang nagawa nya kesa naman magsalita pa sya at masabi nya ang hindi dapat sabihin. “I just want to ask if you’re still willing to work as my secretary kase kung hinde I have to find other.”

            “I’ll be there at 6:00 am, on the spot.”

            “Good. I want it that way. Very professional.”

            Wala na silang ibang pinag-usapan bukod doon, kaya niyaya na ni Anthony si Janna  na umuwi na. Overnight ang magkapatid sa resort para isupervise ang mga kailangan ayusin, sa bagong Sytem of Management, kaya sumama na rin si Janna.

            “Are you sure okey ka lang dito? Mag-isa ka lang.” Hindi maitago ang pag- aalala sa dalaga habang busy ito sa harap ng computer. “Ayaw mo bang sumama sa’kin sa mansion? Para bukas hindi ka na mag ko-commute.

            “ I can manage here, salamat.”

            “Okey.” Tumayo na si Anthony saka naglakad papunta sa may pintuan. “Take care, Goodnight. I’ll just see you tomorrow, Bye.”

            Nang makaalis na si Anthony saka niya ibinaling ang atensyon sa pintuan. Anu bang meron kang engot ka, you are a destruction to my silence.

            Iniisip nya parang nag fastforward ang buhay nya mula nang bumalik si Anthony sa buhay niya. Ni wala syang natatandaang closeness between ‘em except nung mga bata pa sila. Nung magkita sila nito before this week was years ago, palagi pa sya nitong niyayaya mangabayo, pero dahil di sya komportable sa company nito. Aloof sya.

 She just don’t mind it pero, pagkakaalam nya Anthony was that little boy na nagligtas sa kanya nang muntik na syang mahulog sa barko noon. Aside knowing that he was her best friend figure long time ago. And she even forget that matter. Hindi mahalaga kung bestfriend man niya ito noon o hinde.  Dahil hindi nya matandaan ang feeling na nakadescribe sa scenario.

Ang naaalala nya noong magising sya sa ospital, hawak nito ang kamay nya. Hindi nya alam kung umiiyak ba ito o natutulog sa gilid ng kama noon habang nakasubsob doon. Nakatingin sa kanya ang dalawa nitong kapatid pati ang papa at mama nito. Ang parents nya nakatayo lamang sa may pintuan katabi si Lawn. Pugto ang mga mata nila.

            Napabuntung- hinginga sya nang magbalik sa gunita nya ang mga nangyari noon. Noong una hindi nya nakilala si Anthony agad, pero narecall nya ang boses nito then she knew he was her bestfriend, but she failed to recover the familiarity of emotions between them. Hindi na sya komportable sa company nito even he almost spend his whole day na inaalagaan sya . Ang nangyari naging distant sya sa binata. Unti-unting dumalang ang pagdalaw nito sa kanya that time. Hanggang isang araw sinabi na lang ni Lawn sa kanya na umalis na si Anthony papunta Canada.

Gusto nya nang maalala ang mga naburang ala ala sa kanya. She wanted to remember what memories she had with Anthony. Dahil may pagkakataon when they get to see each other, nakakaramdam sya ng dejavou. Weird feeling na parang nangyari na dati, pero wala syang eksaktong maalala. Its sucks!

            “Anak ng pating naman kaseng amnesia ‘to!” pabalya nyang ibinagsak ang ballpen sa mesa nya.

            May picture frame sa loob ng drawer nya sa opisina. Dalawang bata, and she knows sila ni Anthony ‘yun. Way back years ago.

            “Anthony, I’m sorry.” nawika na lang nya.

            Kahit ayaw sana ng parents nya na maiwan sya sa Pinas, She chose, too. Dahil alam nya sa lugar na ‘to lang sya sasaya. Inihabilin sya sa mag- asawang Allevar at sa magkapatid na Lawn at Lance.

            Doon siya nagsimulang tulungan ang sarili. Regardless her situation and worries.

            She then started her new foundation. She unfolded new pages of her life, made new stories of her own. Kinilala ang mga stranghero nakakasalamuha niya, and found familiarities around. Katakut- takot na adjustments ang ginawa niya.


 CHAPTER 03

THIS is gonna be here first day on job. Hindi nya natupad ang sinabi nyang six on the spot. Seven thirty na sya nakarating sa mansion, at naiwan na sya ni Anthony na nauna nang nagtungo sa Hacienda.

“Nakakahiya ka Janna,” bulong niya habang naglalakad. Nauna pa ang amo mo sa field kesa sa’yo. Nakakahiya talaga! “Eh ano? Kasalanan naman nya kung bakit ako napuyat,” aniya.

Patay malisya syang dumiretso sa opisina ni Anthony kahit nakita nya ito sa labas kausap ang delivery man ng Farm Supplies. Inilagay nya ang body bag nya sa hanger saka huminga ng malalim. “Kaya mo ‘yan Janna”

May kumatok sa pintuan. Nagulat sya at napaigtad.

“Hahaha!” Patawang pumuwesto si Anthony sa desk nya at nakakalokong tinitigan si Janna. “Napaaga pala ako sa farm, naiwan tuloy kita.”

“Sorry I’m late. Nakalimutan ko kase na . . .”

“. . .no! you’re just in time.” Nilingon nito ang wallclock sa tabi ng hanger. 6:15  ang oras. Nginitian sya nito ng ubod tamis, “I have here some inventories to be written everyday. I’ll be needing those reports every end of the week, except Sunday of course.”

Napataas ang kilay nya habang tinititigan ang wall clock. Six Fifteen? Anung kalokohan ‘to? Tiningnan nya ang oras sa cellphone nya 8:15 am. Pinagloloko ba ako ng lalakeng ‘to?

“C’mon Janna. Don’t bother about that clock.”

At isa pang ikinapanibago nya. Ang lalakeng ito na kaharap nya. Ngayun nakangiti sa kanya na parang ibang tao ito. At parang wala itong balak na alisin ang ngiting iyon sa mga labi nya. Parang naka glue na ang ngiti nito

“Anthony, niloloko mo ba ako?”

Awtomatikong napawi ang ngiti sa labi ng binata sa tanung na iyon ng dalaga. “Bakit? Anung ginawa ko ba?” maang na balik tanung nya kay Janna.

“Anung ngini ngiti ngiti mo dyan? Bakit nakangiti ka?”

“Naririnig mo ba ang sarili mo?” Nakasalumbaba si Anthony habang nakatitig sa nanggagalaiting si Janna. “Kapag nakita ng mga tao dito kung paano mo ako sermonan. Baka mapagkamalan nilang ikaw ang boss dito.”

Natigilan sya bigla sa sinabi nito.

“On the contrary, I like you that way. Kapag naikasal na tayo. I wonder if I can tame you, Ms. Joe Hanna Dela Riva.”

Tumayo ito at nilapitan sya. “You’re too cute with that attitude.” Halos isang dangkal lang ang layo ng mukha niya dito. “Mas gusto ko na ganyan ka kesa hindi mo ako pinapansin.”

Palapit ito ng palapit sa dalaga hanggang sa ramdam na nya ang init ng hininga nito sa ilong nya. Para syang itinulos sa kinatatayuan nya. Hindi sya makagalaw.

“Those eyes.” Nakatitig ito sa mga mata ni Janna. “Kahit bampira ka pa, you still got those innocent eyes. Hindi ka makakapagtago ng sikreto sa’kin Janna.”

Napalunok naman sya nang mas ilapit pa ni Anthony ang mukha sa kanya.

“May tamang oras para dito,” sabay hawak sa balikat nya at umagwat sa dalaga. “Kapag hinalikan kita, ayoko na may abala sa paligid.”

Akma itong lalabas na, pero bago ito lumabas ng pintuan humarap ulit ito kanya. “I’m sorry kung napuyat ka dahil sa’kin. You just need more focus,” sabay kindat at tuluyan nang umalis.

Aba’t. . .” tama ba namang ipamukha nito  sa kanya; teka, bakit alam niya?. “Conceited  Allevar.” Ramdam niya namula ang tenga nya sa sinabi nito.

            Sumunod sya dito sa field dala dala ang notes nya. “Anu gagawin ko dito? Susunod lang ba ako sa’yo maghapon? Para pala akong supervisor sa trabaho ko?”

            “Gusto mo ng ibang gawain?” tanung nya sa sekretarya.

            “Syempre. Hindi ako matututo sa pagsunod lang sa’yo. I demand for a hardwork.”

            Napangiti si Anthony sa sinabi niya. Iiling-iling na lang sya habang iniisip kung anu pa ba ang pwede nyang ipagawa dito; nang salubungin sila ni Mang Isko, ang tagapamahala sa palayan. “Anton, pasensya na . Hindi namin matatapos ang paggapas sa palayan. Kulang kami sa tauhan.”

            “Ganun po ba? Hindi nyo naman ho kailangan tapusin ngayun. Walang problema.  Janna, sya si Mang Isko. Taga manage ng palayan. Natatandaan mo pa ba siya ang taga sungkit ng mangga at buko natin dati?”

            Clueless siya, hindi naman kase siya napadpad dito mula nang maaksidente siya. “Magandang umaga ho, Mang Isko”

            “Magandang Umaga din sa iyo. Ikaw na ang nobya ni Sir Anton, parang kailan lang.”

            Bigla sumingit si Anthony, “ammm . . . Maganda daw po ang ani nung mga nakaraang taon. Magaling kayo mamahala Mang Isko. Si papa mismo ang nagsabi sa’kin.”

            “Salamat din sa mabait na mag- asawa. Magaling sila mamahala sa mga tao dito sa Hacienda,” anito. “Sige po gagawa po kami ng paraan para kahit kalahati man lang mai-supply ngayung araw sa tipahan.”

            Biglang may naalala ang binatang Hasendero. Binalingan nito si Janna. “You wanna try a hardwork, don’t you?”

            “Anton, mauna na ako.” Magpapaalam na sana si Mang Isko.

            “May hihiramin po ako kay Nanay Celia. Pakisamahan po muna kami.” Ang asawa nito ang tinutukoy ni Anthony.

            Tila nababasa na ni Janna ang nasa isip ni Anthony. No! Hindi nya kayang ipagawa sa’kin ‘yon.He won’t let me. Tanggi ng isip nya.

            “Sumama ka sa’kin. Magpalit ka ng damit.”

            Sumunod sila kay Mang Isko sa bahay nito. Pagdating nila doon ay inihiram nya ng damit si Janna. “Hardwork you want. I’ll give you hardwork.”

            “Okay, cute ang damit na pinasuot mo sa’kin.” Nakapamewang sya nang humarap sa binata. Nakamasid lamang ang matandang mag asawa sa kanila. “Anu ang balak mong ipagawa sa’kin, aber?”

            “Tama bang sermonan mo ang amo mo sa harap ng mga tao sa Hacienda?”

            “Tatayo na lang ba tayo dito habang tinititigan mo ang itsura ko sa damit na ‘to?” hindi nya maitago ang inis sa lalake. Ni minsan hindi pa sya nakapagsuot ng bota o ng long sleeves na halos doble ang laki sa kanya.

            Napapangiti ang mag asawa sa nakikitang pagtataray ni Janna sa Binatang Hasendero. Bagamat anim na taon nilang hindi nakasama si Anthony. Kabisado pa rin nila ang ugali nito. Kaya hindi na nila kinailangan mag adjust nang ito na ang mamahala sa Hacienda. At sa nakikita nila sa binata ngayun. Alam nilang masaya ito habang sinesermonan ni Janna.

            “Magtatalo na lamang ba kayo dyan?” Kinuha ni Mang Isko ang Kawit at Gora. “Celia pahiramin mo si Janna ng Gora. Mainit sa bukid, baka hindi nya kayanin.”

            “Kaya ko ho, Mang Isko,” matigas na sagot nito na hindi inaalis ang mata sa binata.

Sumunod si Janna sa katihan bagamat hindi kabisado ang pasikut-sikot doon. “Mang Isko, yan pong mga kuhol na ‘yan. Alaga po ba yan dito?”

“Naku hinde, katunayan nyan ang mga ‘yan ay sumisira sa palayan.  Pero napapakinabangan namin. Masarap magluto nyan si Celia. Ginataang kuhol na may gabi.”

“Kinakain nyo ‘yan?” tila sya hindi makapaniwala na ang mga nakikita nyang gagapang gapang sa paligid ng katihan ay niluluto.  “Pa’nu nyo po kinakain ‘yan. Ang tigas nyan ‘di po ba.  Saka Hindi po ba bulate ang laman ng mga shells na ‘yan?”

“Hahaha! Bata ka, hindi kinakain nang buo ‘yan. Syempre yung laman lang.”

Tatangu- tango naman sya. “Eh ito pong mga palay; gaano po katagal inaani ang ganitong kalawak na taniman?”

“Depende, sa klima, sa butil at sa demand.”

“Hindi ho pala basta basta mag alaga ng ganito kalawak na palayan.” aniya

“Sa lawak ng palayang ito, hindi madaling tapusin ang gawain sa loob ng maikling panahon.”

Nakamasid lamang sa isang tabi si Anthony. Inoobserbahan si Janna, mula sa di kalayuan. Kahit saang anggulo pa kita titigan, you still look beautiful. Kahit na sa suot mong rugged clothes.

“Ms. Janna, ayus ka lang ba?”

Napaupo si Janna nang matuntungan ang madulas na bahagi ng taniman. “Wala hong problema, Mang Isko. Hahaha! Hindi lang po siguro ako sanay na may suot na bota.”

Palayu sila nang palayo, pero nananatiling naka masid lang si Anthony sa di kinatatayuan nya. Muntik na nga nyang puntahan si Janna kanina. Buti naman at ayus lang pala ito. Natatawa pa sya dahil ang ingay nito habang gumagapas.

Nalibang siya sa panonood sa dalaga, hanggang sa Makita niyang nadulas ito ulit.

“Auch! Ara. . . ay ,” malakas na tili ni Janna, na ikinapalingon nya.

“Sir Anton si Ms. Janna, nadulas hindi daw po makatayo.” Patakbong nilapitan sya ng isang batang anak ng magsasaka.

Kunot- noong binalikan ng mata niya ang dalagang nasa medyo malayo na mula sa kinatatayuan niya. “Naman!” Walang sabi sabing nilusong nya ang katihan. Ni hindi na nya inalis ang sapatos o nililis ang pantalon. “Shucks!” Saka nya naalala nang mapalubog na sya sa halos hanggang ibabang tuhod na putik ng palayan.

Binalewala na nya iyon at tumuloy sa kinaroroonan ni Janna, “what happened?” Nasa tono nya ang pag aalala dito.

“Hindi mo ba nakikita nadulas ako? Masakit ang balakang ko. Tulungan mo ako tumayo,” inis na utos nito sa kanya.

“Yes ma’am.” Walang sabi sabing pinangko nya ang dalaga sa braso . “We’ll go home now.”

“Ibaba mo ako! Anung kalokohan ‘to.” Nagpupumiglas pa sya habang bumabalanse ang binatana buhat sya sa gilid ng taniman. “Ibaba mo ako sabi!”

“Wag kang malikot! Ang sabi mo tulungan kita. Look at my jeans and shoes. Do you think I can walk there fine?” Nilingon nito ang matandang naiwan sa palayan. “Mang Isko, maiwan po muna namin kayo dito. Kayo muna ho ang bahala.”

            “Hahaha! Sige Anton,” nangingiting sagot nito sa binatang nakakunut- noo na. Marahil dahil sa hindi maganda ang pakiramdam ng paa nito na puno ng putik habang nakasapatos at pati binti nito siguro putikan na rin sa loob ng pantalon.

            “Wag kang malikot dyan kung ayaw mo ibagsak kita sa lubluban ng kalabaw.”

            Natahimik si Janna. Kumapit na lamang sya sa leeg ni Anthony para masecure at hindi ito mahirapang buhatin sya. “Ang dumi ng pantalon mo.”

            “Walang namamatay sa dumi. Sa injury meron.”

            Nagpahatid sila sa delivery truck pauwi ng mansyon.

“OH MY GOD!” nabigla ang mama nya nang makita ang itsura nilang dalawa. Suot pa ni Janna ang damit ng asawa ni Mang Isko, bagamat iniwan na nito ang bota sa bukid. Samantalang si Anthony ang sobrang madumi mula tshirt hanggang paa. Nang  madulas si Janna, nagputik ang bahaging likuran ng damit nito, kaya naputikan din si Anthony nang buhatin nya ito.

            “Bakit ganyan ang itsura nyong dalawa?” Nakangisi si Andy sa nakitang itsura nina Anthony at Janna. “Para kayong mga batang grasa.” Sabay taas ng kilay sa binalingan ang kapatid, “…na nakasuot ng rubbershoes? Anthony.” Halatang pigil nito ang mapatawa. Tumalikod ito saka humagalpak. “Ahahahaha! Ganyan sila dati, mama. Ang cute nila tingnan,”anito saka tinungo ang kwarto sa itaas.

            Pagbalik nito may dala itong damit at bath towel. Sira ang shower sa bathroom ko, Janna. Maligo ka na. Gamitin mo muna yung nasa kwarto ni Alice.

            Tinapik ni Janna ang balikat ni Anthony, “Ibaba mo na ako. Kaya ko nang maglakad mag isa.”

            “Sigurado ka?” Ibinaba sya ni Anthony saka inalalayan sa dalawang braso. “Be careful baka mahulog ka sa hagdanan.”

            “I can manage, salamat .” anito saka paika ikang umakyat sa hagdanan.

            “At ikaw Anthony Allevar,” baling ng kapatid sa kanya. “Maligo ka din, kung ‘di mo napansin parang nag landslide na sa floor dahil sa dala nyong putik.” Si Andy

            “Yeah , yeah . I know.”

            “Dati nung nadulas ka sa farm, si Janna ang tumulong sa’yo. Yun nga lang, hindi ka nya binuhat, instaed kinaladkad ka nya pauwi dito. Kase masyado kang malaki sa kanya, at ayaw mo magpabuhat sa mga tao sa farm.Napatawa mo si papa ng sobra, kung naaalala mo ‘yun. Nakakatuwa kayo tingnan. Habang halos maghisterya ka nang makita mong may nakakapit na linta sa binti mo. Hahaha!” napatawa na rin ang mama nya nang maalala ang kanina pa naglalaro sa utak ni Andy.

            “Oh please ‘ma, stop.” Iritang iniwan nya ang ina. He went upstairs and cleaned himself hanggang sa wala nang bakas ng putik na naiwan sa buong katawan. Hindi maialis ang ngiti sa labi nya kahit nang lumabas sya ng kwarto .

            “Naligo ka lang masaya ka na, hijo. Nakakatuwa ka naman.”

            “I have to go back there, kayo na muna ang bahala kay Janna, ang ‘ma. Please tell her to wait me here. Ako na maghahatid sa kanya pauwi.”

            “I will hijo, don’t worry. “

            “Okey, I’ll go ahead. Don’t forget to tell her”

            Nang makababa si Janna, sinabi agad ni Anna ang habilin ng anak dito. “Hindi ka na nya hinintay, sya na lang daw ang hintayin mo dito. Ihahatid ka nya pauwi.”

            “Ganun po ba? Maaga pa naman po tita, pwede pa ako sumunod ‘dun.”

            “Ay naku! Wag na, baka mainis pa ‘yun sa’kin. Bantayan daw kita baka masakit pa paa mo. Alam mo naman si Anthony stubborn.”

            Sandaling katahimikan. Maya maya niyaya sya ng ginang na maupo sa may  veranda. “Janna, sana bumalik na ang ala ala mo. Anthony wanted to marry you as soon as possible. Hindi nya magawa. Pina reschedule nya ang kasal nyo.”

            “Tita. Hindi ko alam, bakit kailangan na maikasal kami? Kung hinihintay nya na gumaling ako, sana hindi sya nag propose sa’kin without clear reasons. I’m … Clueless”

            “He got his reasons hija.” Hinawakan nito ang braso ng dalaga, “Mahal ka ni Anthony. Yun lang sapat nang dahilan para gustuhin nya na maikasal kayo.”

Napakunut- noo sya sa sinabi ng ginang. Mahal ni Anthony? Ows!

“ Mara is there, kilala namin ang ugali nun. Alam din namin kung gaanu kalaki ang pag asa nya na mahal sya ng anak ko.”

CHAPTER 04

“WHY  do you have to do these to me Anthony? Sinabi mo sa akin noon, that you love me.  You don’t care about my parents, etc. And now you’ll just ignore me as if I  don’t exist?”

            “Mara, I lied on you. Just tell me im the worst guy you’ve ever had, it’s okey. I left kase frustrations hunting me those days. And I thought kapag pinilit ko na mahalin ka, makakalimutan ko si Janna. God knows I tried.”

            Tatangu tango lang si Mara. Naiinsulto sya sa mga sinasabi ng lalake. Hindi nya gusto ang naglalaro sa utak nya. “So you are telling me, ginamit mo lang ako as instrument  to heal your frustrations out of  THAT GIRL, huh?”

            “I’m sorry. Pero oo ‘yun ang totoo.”

            “Ouch! All this time naniwala ako that someday you will fight for me againts my parents, Anthony.” Unti unti nang pumatak ang mga luha sa mga mata ni mara. “Akala ko totoong mahal mo ako. Halos itakwil ko ang parents ko para sa’yo!”

            Hinawakan ni Anthony ang magkabilang pisngi ni Mara at pinahid ang luha sa mga pisngi nito. “Mara, I tried. We both know how genuine my concern for you was, but. . . it didn’t work. Hindi ko nakalimutan si Janna. Mahal ko si Janna. Still I love you, I care for you; as a friend.”

            “The Hell with that Janna!” galit na pumiksi ito at tinulak si Anthony. “I won’t stop here. Magigising ka na lang isang araw na ako ang mahal mo at hindi sya!”

            “Mara . . .you should go back to Canada.”

            “I don’t think so,” mataray na sagot nito sabay tingin ng diretso sa binata. “You should know better than to flirt with me, Anthony. Alam mo that things, once I own. . . I will own forever. Mine is mine!” babala nito sa binata.

            Nang paghakbang ni Mara paalis na sana sya, saka lang nila napansing dalawa na nakatayo pala si Janna sa tabi ng kotse si Mara si Janna, may hawak itong dalawang juice. “Baka gusto nyo munang magmiryenda?”

            Nakangiti si Mara nang kunin ang juice kay Janna, ininum nito ang laman saka ibinalik sa kamay ni Janna. “Thanks,” saka nilingon ulit si Anthony, “mabait ang secretary mo ,babe. Bigyan mo sya ng bonus.” Sumakay na ito sa kotse saka ibinalya pasara.

            Sinadya pa nitong pausukin ang tambutso saka mabilis na umalis at iniwan ang makapal na alikabok sa mismong tinatayuan ni Janna.

            “Bitch!” mahinang mura ni Anthony saka hinila si Janna. “Ibaba mo na yang baso jan sa damuhan.”

            “Huh?” Napamaang siya sa sinabi ng Anthony. Itong baso dito sa damuhan? Sira ba tuktok nito, anu kala nya dito bote ng yakult na itatapon lang? Sira-ulo talaga!

            “Gusto mo ulitin ko?”

            Ibinaba nga nya sa damuhan ang dalawang baso ang isa may juice pang laman; saka sumama sa binata, kung saan man sila pupunta.

            “Narinig mo ba pinag usapan namin”

            “Konti lang, bakit?”

            Parang sinigurado pa ni Anthony kung nagsasabi ba ito ng totoo, tinitigan nya sa mata si Janna. “Sigurado ka?” paninigurado nito.

            “Depende kung alin sa pinag usapan nyo ang tinutukoy mo.”

            “Wala,” sagot nito saka binilisan ang paglalakad. Hinayaan na sya nito maglakad mag isa.

            “ Nung sinabi mong. . . mahal mo ako?” sa wakas ay nasabi nya.

            Napahinto si Anthony sa paglalakad sila at parehong nawalan ng imik. Mahabang katahimikan.

            “Yun lang ang narinig ko, hindi nyo kase napansin nung lumapit ako tapos, hindi ko naman kayo pede abalahin, kaya . . .”

            Hindi na naituloy ni Janna ang sasabihin dahil mabilis syang nilapitan ni Anthony at hinalikan sa mga labi. Very sweet fast kiss. Natapos iyon saka huminga ng malalim si Anthony. “Anu pa ang narinig mo bukod doon?”

            “ummmp, sabi nya bigyan mo ako ng bonus kase mabait akong secretary.” Bahagyang tila nalasing si Janna sa ginawa ng binata sa kanya.

            “Hinalikan kita. Siguro pwede nang bonus ‘yon. Hindi ka ba nataranta man lang?”

            Nagkibit- balikat lang sya saka nagpatiuna sa paglalakad.  As if naman aamin ako; na kumakabog ang dibdib ko ngayun, dahil sa’yo.

NANINIBAGO si Janna sa ikinikilos ni Anthony. Palagi nya ito nakikita ngumiti. Nasaan si Mr. Stiff? Nakakapagtaka, samantalang nung dumating ito galing Canada parang wax figure ng tao ito na naglalakad, nakapaskil sa mukha ang iisang ekspresyon straight face.

            “Anung iniisip mo dyan,” tanung ni Lance nang lapitan nya si Janna.

 Kanina nya pa napapansin na nakatulala lang si Janna habang kinakagat ang kuko sa daliri. “Tigilan mo nga ‘yan!” saway nito sabay hampas sa kamay nya. “Kailan pa nagkaroon ng lasa ang kuko ng tao ?”

            “Lance, wala ka ba napansin kay Anthony?”

            “Napansin na ano? We haven’t talked yet. I’m too busy at work.”

            “…or baka naman naparanoid ako, o dahil walang familiarity?”

            “If I were you, isipin ko muna if I am are ready to face a life with him. Hindi ka pa lubusang magaling. Hindi ka pa nakakarecover, actually. You’re not sure of what is happening around you.”

            Natigilan si Janna at unti unting pumatak ang luha sa mga mata niya. “Bakit ba kase ang gulo gulo? Magulo ang utak ko, wala ako maintindihan, Lance.”

            Napailing na lamang ang binata at kinabig si Janna pahilig sa balikat nya, “shhhh, hindi bagay sa mataray na kagaya mo maging iyakin. Itigil mo nga ‘yan.”

            “Bakit nga ba ako umiiyak, aber?” sabay tayo at pahid ng luha sa mata. Tumaas- kilay sya saka nagsalita. “Ako si Joe Hanna Dela Riva. Hindi ako iyakin.”

            “Iyan ang sinasabi ko sa’yo… baliw! Hahaha!” sabay hampas sa balikat ng dalaga. “Tara na sa loob, baka sipunin ka malamig dito.”

            Naisip nya dati, kung nagkataon na may gusto si Lance sa kanya at niligawan sya nito, hinding hindi sya magdadalawang isip na pumayag maging girlfriend nito. Sumagi sa isip nya yun habang nakaakbay ito sa kanya papasok sa bahay at nakatitig sya dito.

            “Wag mo ako tingnan nang ganyan baka matunaw ako,” sabay pisil ng ilong nya.

            “Aray! Masakit ‘yun ah.”

            “At least naramdaman mo yun. Hahaha! Akala ko manhid ka na.” Pagpasok nila sa bahay ay nauna na ito umakyat at pumasok na sa kwarto. Naiwan sya sa ibaba.

            “Tulog na kaya si Lawn?”

NASA kalagitnaan ng pag inspection si Anthony nang lapitan sya ng anak ng isa sa mga tauhan nya, at sinabing may naghahanap daw sa kanya sa opisina nya.

            “Babae ba? Pakisabi mo marami akong ginagawa.”

            “Sir Anton, lalaki po,” anang bata. “Pinsan nyo daw po sya.”

            Napaisip sya kung anu kayang sadya nito sa kanya that day. “Sige susunod na ako, salamat.”

            Nagpaalam muna sya kay Janna na abala noon sa pag iimbentaryo ng delivery ng feeds. “ Ikaw muna bahala . I’ll be back later, will you please?” Ibinigay nya dito ang hawak.

            “Okey. I can manage.”

            “Thanks, you’re an angel really,” sabay smack sa labi nya and gone in the wind that fast.

            Heto na naman sya natulala na naman.  My little Janna, kiss lang ‘yun. Ganun ba ka-hypnotic ang kiss nya? Natulala ka na naman?

            Pagpasok ni Anthony sa opisina nadatnan nya si Lance sa swivel nya nakaupo. “Kanina ka pa?” tanung nya dito.

            Tumayo ito at lumipat ng upuan sa harap ng mesa ni Anthony. “Nasaan si Janna?”

            “Iniwan ko muna sya doon sa field. Napabisita ka?”

            “I just want us to talk about certain thing,” anito. “Pero, sana nakaupo ka muna bago tayo mag-usap.”

            “Sure.” Pumunta ito sa sariling upuan, “So? What brought you here?”

            “Don’t be too obvious Anthony. Alam kong hindi mo gusto na makita o makausap ako, pero kunwari na lang we are okey.” 

            “Alam mo pala, then ano ngayun ang dahilan nandito ka?”

            “I want us to talk about Janna.”

            Sarkastiko ang naging ngiti ni Anthony, “and what is this that we have to talk about Janna?”

            “Wag mo ituloy ang kasal.” Walang kakurap- kurap na utos nito.

            “Joke ba ang gusto mo?” Humalukipkip ito saka sumandal ng prente sa upuan.

            “Hindi mo ba nakikita na hindi pa handa si Janna? Hindi pa sya nakakarecover.”

            “So, what do you mean?”

            “Obviously you are turning into a selfish monster, Anthony. Threatened ka ba na baka mawala sya sa’yo?”

            “Maybe you should ask that to yourself.”

            Natigilan si Lance. Hindi nga ba’t isa ‘yon sa maraming dahilan kaya sya nandun at kinakausap ito. Sinungaling sya kapag sinabi niyang hinde.

            “Nakalimutan mo na ba na iniwan mo si Janna?” bawing sagot ni Lance.

“But now I’m back for good.”

“For good, huh! Kung hindi mo napapansin, natu-torture lang si Janna sa mga nangyayari, nang dahil sayo.”

“If you just came here to tell me those stupid things, out of your concerns, I guess? Please go, or we’ll talk about your delema some other time, bro’.”

Tumayo na ito at nakipagkamay sa pinsan. “Good to see you again. I have to go.”

            Hindi sila dating ganito ni Lance, actually they were brothers-like. Until mangyari nga ang aksidenteng ‘yon kay Janna. Sinisisi sya nito sa pagka aksidente ng kababata nya.

TAG-ULAN NOON, Janna was just a sixteen-year old student then, same age as Anthony. Si Lance noon ang nagsisilbing kuya nila at twenty.

“Anung ginagawa nyo dito sa labas na dalawa?” tila galit na tanung ni Lance nang madatnan sila sa labas ng gate nakapayong habang umuulan.

“Lance, sasamahan ko lang ang boyfriend ko dito. He’s waiting for Mang Tasyo. Susunduin daw sya dito.”

“Hindi ba kayo sinundo kanina sa School?”

Napangiti si Anthony saka hinawakan sa kamay si Janna. “Eh naglakad lang kami ni Janna pauwi dito kasabay namin si Lawn.”

“Oo nga. Pinauwi muna namin kanina si Mang Tasyo para makapagpahinga din sa bahay nila. Pero, nagtext na si Anthony at susunduin na sya ngayun.”

“Okay,” sagot na lang ni Lance saka pumasok na ito sa loob ng bahay

Sinalubong ni Lawn ang kapatid, “kuya tulungan mo naman ako sa homework ko, please?”

“Later Lawn, magbibihis muna ako. Nasaan sina Tita?” Ang parents ni Janna an tinutukoy nya.

“Si Tita nasa kusina nagluluto, si Tito naman nasa garahe naglilinis ng kotse.”

Napabaling si Lance sa may bintana. Tanaw na tanaw niya sina Janna at Anthony mula doon.

Umihip ang malakas na hangin nakita nya nilipad ang payong ni Janna. Malakas ang ulan sa labas. Pumagitna ang payong sa gitna ng kalsada.

Napapailing na lang si Lance, saka niya dinampot ang payong na gamit kanina at akmang lalabas na nang . . . “Jan. . . . . . na!!!!!” malakas na sigaw mula sa labas, na ikinataranta ng mga tao sa loob.

Lumabas agad si Lance at nakalimutan na buksan ang payong. “Anung nangyari?”

Nadatnan nila sa kabilang bahagi ng kalsada si Anthony na putikan at nakatulala sa dalagang nakabulagta sa gitna ng daan, duguan at walang malay.

Humahangos na lumapit ang mag asawa sa anak, “Janna?” nataranta si Sylvia sa nadatnang duguang katawan ng anak. “Johny kunin mo ang kotse dali!”

            Hindi na nila napansin si Anthony. Binuhat ni Lance si Janna at isinakay sa kakalabas lang na kotse.  “Tito. . .”

            “Kuya napa’no si Janna? Ku. . .ya!!”

            Naiwan si Lawn sa bahay nang wala syang alam sa nangyari. Tinulungan nya si Anthony. “Anu nagyari? Okay ka lang?”

            “Si Janna. . .Lawn si Janna!”  tila nagsisimula na rin maghisterya si Anthony. Nakalimutan na rin nya ang sariling injury.

            “Hindi ko alam, dadalhin nila sa ospital. Anu ba nangyari?”

            “Puting kotse ang bilis eh.” Maluha luhang paliwanag niya sa pinsan. “

            Walang maintindihan si Lawn sa sinasabi ng pinsan. “Nilipad yung payong, pupulutin mo sana kaso naramdaman mo may paparating na sasakyan?”

            “Iniwasan ko ‘yun Lawn.” Napakunut- noo si Anthony pagkatapos. “Nakita ni Janna na lumihis din ang kotse at tumapat sa’kin kaya tinulak nya ako, at. . .”

            “Hoy! Aba naman, mga ere. Anu ginagawa nyo diyan pagka lamig lamig. Kasagsagan ng gabi nagpapaulan kayo?” Bumusina si Mang Tasyo sa pag aakalang nasa loob ng bahay ang mag asawa.

            “Mang Tasyo anu ang pinakamalapit na ospital dito?”

            “Dun sa bayan. Malayo dito sa atin, mga tatlompung minuto. Bakit?”

            Tumayo si Anthony at sumakay sa van. Napansin ng matanda ang itsura nito, “aba’y anung nangyari sa mukha mo dumudugo yang siko mo, ang noo mo at panay galos ang braso mo. Para kang nanligo sa lubluban ng kalabaw.”

            “Mang Tasyo dalhin nyo po kami sa ospital nang mabilis.”

            “Nabalian ka ba?”tanung nito habang binabaybay ang daan papunta sa bayan.

            “Nasa ospital po si Janna. Naaksidente. We have to go there fast Mang Tasyo. I wanna know if my girlfriend is okay!”

NAPAKABILIS ng mga pangyayari. Mula nang araw na ‘yon nag iba na ang pakikitungo ni Lance sa kanya. Sa loob ng buwan na comatose si Janna sanhi ng pagkaaksidenteng ‘yon. Naging dahilan ng Internal Hemorage sa brain nerves nito.

            They were so unsure what might happen to Janna. Magigising pa ba ito? Kung ano ang posibleng epekto sa dalaga. Ang sabi ng doctor hindi stable ang kalagayan ng dalaga lalo’t nirereject ng katawan nito ang gamot na binibigay nila.

            Hanggang isang araw declared that Janna’s condition is stable na. Nagkamalay na ito after 3 months and a week.

            Ang kauna unahang tao na namulatan nya. . . si Anthony. Pero sa pagkadismaya ng lahat. Walang anumang natatandaan si Janna sa mga nangyari. Wala itong kilala sinuman sa kanila.

            Ang mag- asawang Allevar ay naghanap ng specialist para sa Theraphy ni Janna.

Kasabay nga ng pagconfirm sa nangyaring aksidente, which was declared to ba double tragedy. Finally, inspectors declared that an Epileptic old man drove the car na nakaaksidente hindi lang sa kanila, kundi may naaksidente pa itong dalawa pa sa kabilang street. Hindi rin sila nagsampa ng kaso, because unfortunately the old man suffers too. Coma ito at hopeless na mabubuhay pa. Ang inisip nila ay si Janna.

Dumating ang punto nahirapan si Anthony mag adjust sa sitwasyon nila. Nakita niya kung gaaano kahirap sa mag asawa na nakikita si Janna na ganun. Ilang beses na rin nila kinumbinsi si Anthony na hayaan muna si Janna. Hindi rin maayos ang pakikitungo ng dalaga sa mga tao sa bahay. Si Lawn lang ang madalas nitong kasama.

That is when Anthony decided to leave. Walang paalam sa parents ni Janna na nagdesisyon syang sumunod sa lola niya sa Canada para mag unwind.

 Sa murang edad masyadong maraming emotional tortures ang humampas sa kanya. Kahit nang mapadpad sya sa Canada, hindi rin naman sya natahimik. Sabihin mang kababawan ang depressions nya dahil sa lovelife lang, while he was  just 16 those times.

After a year bumalik sya sa pinas nang mabalitaan na maayos na si Janna, but to his dismay. Wala pa rin itong naaalala. Just plain friendship palagi ang binabanggit nito. Back when they were young. She even forgot his name, though the closeness somehow was there.

Then again he chose to go back to Canada. At ngayun nga lang ulit sya bumalik, para iwasan naman si Mara na frustrated sa kanya.

Kung tutuusin sa kwentong ito pakiramdam niya sya dapat ang bida. Sa mga nangyari , nangyayari, at mangyayari pa lang. Kinakabahan sya. Life didn’t gave him colorful memories those years, kaya everytime na gumagawa siya ng desisyon, kumakabog nang malakas ang dibdib niya sa takot na makasalubong na naman niya ang unwanted faith na iniiwasan niya. He is hoping for the best, but as of now, hindi pa nya masabi.

“Janna. . .I miss you, I miss your smile------ I love you,” mahinang sambit niya.

Ang plano nya ay pakasalan si Janna, para Malaya siyang tulungan ito personally na maalala ang lahat. Ayaw na niyang umasa sa theraphy. All he need is to show Janna kung gaano ito kahalaga sa kanya; kung gaano nya ito kamahal.

  

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola